Gumugulong na ang The International 11 (TI11) playoffs sa Suntec Singapore Convention Centre. Kapansin-pansin sa stage layout ang pagkawala ng playing booths, isang napakaimportanteng feature na parte na ng taunang torneo simula pa noong unang TI.
Ibinahagi ng isa sa mga manlalaro ang kanyang karanasan sa paglalaro sa unang araw ng TI11 Main Event at kung paano maaaring naiimpluwensyahan ng bagong setup ang mga laro.
Ibinunyag ni dyrachyo ng Gaimin Gladiators na naririnig nila ang casters sa kanilang TI11 playoff match
Inilahad ni Gaimin Gladiators carry Anton “dyrachyo” Shkredov na naririnig ng kanyang koponan ang lahat ng sinasabi ng casters sa kasagsagan ng kanilang do-or-die lower bracket first round match kontra Fnatic.
“Scary thing is that you hear absolutely everything — everything that the casters say. You hear every smoke, every rune,” ani ng 21-year-old Russian player sa post-match interview kasama ang Russian community caster na si Aleksandr “Nix” Levin, base sa pagsasalin ni Redditor u/burstes.
Dagdag pa niya, alam ng kanilang captain-hard support Melchior “Seleri” Hillenkamp na may double damage rune ang Fnatic matapos itong marinig sa play-by-play commentary sa venue. Bagamat pareho ang setup sa Stockholm Major 2022, hindi malinaw ang naririnig ng players mula sa labas ng laro, ayon kay dyrachyo.
“I remember that in Stockholm everything was distorted.”
Sinabi ni Nix na maaaring gumamit ng “special headphones with noise reduction” ang tournament organizer na ESL One noong unang Dota 2 Major ng taon.
Maging si position-4 support Zhao “XinQ” Zixing ng Chinese squad PSG.LGD ay sinabing naririnig nila diumano ang mga casters ngunit hindi nila ito naiintindihan. Natalo ang PSG.LGD sa pamamagitan ng 0-2 sweep sa kamay ng Team Secret sa upper bracket first round.
Sa kanya namang livestream, sinabi ni Team Aster co-founder Xu “BurNIng” Zhilei na ni-report na niya ang soundproof problem sa PGL, ngunit wala pa rin silang natatanggap na feedback mula sa organizers.
“Aster will need to play while listening intently, and memorize some key terms,” ani ni BurNIng, ayon sa pagkaka-translate ng ONE Esports. “If they hear ‘Roshan’ and ‘smoke,’ should probably be understood instantly.”
Team Aster co-founder Xu “BurNIng” Zhilei said during his livestream that he already reported the soundproof problem to PGL, but there has been no feedback so far from the organizers.
Wala pang nilalabas na opisyal na pahayag ang Valve patungkol sa naturang insidente. Nagpahayag naman ng concerns ang viewers sa social media pagdating sa competitive integrity ng TI11.
Para sa mga balita patungkol sa TI11 at Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa artikulo ni Kristine Tuting ng ONE Esports.
BASAHIN: BOOM Esports naglista ng malaking upset sa TI11, pinauwi ang reigning champs na Team Spirit