Si Yue ay bahagi na ngayon ng Aurora Gaming na sasabak sa MPL Philippiness Season 14.

Bantog ang Blacklist International sa pagiging isa sa mga pinakamahuhusay na teams sa larangan ng paghahanap ng talentadong Mobile Legends: Bang Bang players— kasama na dito ang pinakahuling adisyon ng team na si Kenneth Carl “Yue” Tadeo.

Angat ang Blacklist sa larangang ito, at patunay ang kalibre ng kasalukuyan nilang roster na pinangungunahan ng mga tanyag na players tulad na lamang nina  Danerie “Wise” Del Rosario, Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna at Edward “EDWARD” Dapadap.

Muling pinatunayan ng organisasyon ang kanilang pagiging matinik matapos idagdag sa Yue sa roster na matatandaang nagpabilb sa MPL PH Season 11 at hinirang pa nga bilang Rookie of the Season.

Sa isang eksklusibong panayam, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap si Yue upang alamin kung paano niya napagtagumpayan ang malaking pressure na kaakibat ng paglalaro sa isa sa pinakamagaling na MLBB teams hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.



Pagsisimula in Yue sa mapanghamong MLBB amateur scene

SIBOL MLBB 2022 final roster for IESF
Credit: ONE Esports

Bago lumayag sa kaniyang MLBB karera, naging volleyball varsity player muna ang midlaner para sa kaniyang eskwelahan. Gayunpaman, nang dumating ang COVID-19 pandemi