Lumihis muna mula sa kadalasang in-depth patch analysis ang content ng tanyag na Dota 2 personality na si Kevin “Purge” Codec matapos nitong maglabas ng guide tungkol sa online dating.

Parte na ng new normal na dala ng global pandemic ang pamamayagpag ng digital activities, mapa online dating man o esports. Halimbawa na lang ang Tinder, isang sikat na online dating platform, na isa sa mga featured sponsor noong ONE Esports Singapore Major.

Sa kabila nito, nasurpresa pa rin ang karamihan nang malabas si Purge ng tatlong maiikling videos para i-guide ang mga baguhan sa online dating. Pinaliwanag niya kung paano ito gumagana at mga pagkakamali na dapat iwasan.

Ang mga online dating tips ni Purge

Purge
Credit: Purge Instagram

Ayusin ang iyong sarili at ang iyong profile

Self-care advice ang unang tip ni Purge. Kung gusto mo magkaroon ng kinakasama, maging isang tipo ng tao na gusto kasamahin.

Maaari itong matupad sa pag-e-exercise, pagkain ng masusustansyang pagkain, at pagpili ng bagay na hairstyle at pananamit. Bagamat kailangan ng oras para mapabuti ang aspetong ito, ‘di hamak naman daw na mapapataas nito ang tsansa na magkaroon ng ka-partner.

Ang advice ni Purge sa mga photo

Dota 2 Heroes
Credit: Valve

Sa pag gawa ng online dating profile, siguraduhin mong maglagay ng mga magagandang pictures mo.

‘Di rin advisable na maglagay ng puro group pictures dahil hindi malalaman ng mga titingin kung alin ka doon.

Advice ni Purge na unahing maglagay ng picture mo lang para madali kang makilala.

Maglagay ng at least isang full-body picture

Pudge
Credit: valve

Okay din daw, ayon kay Purge, na mag-upload ng pormadong full-body picture ng iyong sarili kesa punuin ang iyong profile ng selfie. Importante raw malaman ng mga tao ang iyong physique, at walang dapat ikahiya tungkol dito.

Para naman sa mga pictures na naka-swimwear, maaari raw na hit-or-miss ito.

Manghingi ng feedback mula sa iyong tropa

Credit: ONE Esports

Kung sa tingin mo ay solid na ang profile mo pero hindi pa gaanong nakakakuha ng atensyon, subukan mo raw ipatingin ito sa ‘yong mga kaibigan. Baka raw kasi makakita sila ng mga issue na hindi mo napansin o mag-point out ng crucial na bagay na nawawala sa iyong profile.

Manatili sa hotness level mo

Credit: ONE Esports

Mahalaga raw ayon kay Purge na i-figure out muna ang sarili mong hotness level saka subukang mag-date ng mga tao mula sa range na dahil limitado ang oras at effort mo.

Ayon din sa pag-aaral, mas mataas ang tsansa na magtagumpay sa online dating kung mananatili ka sa iyong attractiveness level.

Mag-effort sa pakikipag-usap, ugaliing magtanong

Credit: ONE Esports

Simula pa lang ng paglalakbay ang pagkakaroon ng ka-match dahil pagkatapos nito, magsisimula na kayong mag-usap upang kilalanin ang bawat isa.

Advice ni Purge na bisitahin ang profile ng ka-match mo para maghanap ng parehong interest na pwede niyong pag-usapan. Baka rin nakatira sila sa isang interesting na lugar o kaya’y madalas nagta-travel; pumili ka ng kahit anong topic na sa tingin mo ay interesting para sa inyong dalawa at tignan kung saan kayo nito dadalhin.

Kung ma-stuck naman kayo sa usapan, subukan lang daw na baguhin ang topic. ‘Wag din daw i-message ang iyong ka-match nang sunod-sunod lalo na kung hindi ito nag-reply.

Mapapanood ang three-part video series ni Purge at iba pa niyang Dota 2 content sa kanyang YouTube channel.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.