May hindi inaasahang pagbabago sa Dota 2 roster ng OG na isinawalat bago umarangkada ang ikalawang Tour ng Dota Pro Circuit.
Ibinunyag ng Western Europe esports organization na magpapalit ng roles ang position five support player nilang si Mikhail “Misha” Agatov at coach nilang si Evgenii “Chu” Makarov.
Isinapubliko ito sa Twitter bago i-lock ng koponan ang kanilang roster para sa DPC Spring Tour.
- 3 Tips para maging magaling na Dota 2 support player
- Gaimin Gladiators kampeon ng Lima Major, walang galos sa playoffs
Pagbabago sa Dota 2 roster ng OG: Misha at Chu, nagpalit ng roles
Nauna nang inanunsyo ni Misha na titigil muna siya sa paglalaro.
“I do not feel like I was able to transform all of this into the game, either with calls or personal plays,” ani Misha. “I thought a lot about it and could not ignore the moments when I coached before.”
“I enjoyed it so much, and I felt like all my Dota knowledge was used 100%,” pagpapatuloy niya. “I feel like we will be so much stronger if I can help structure the practice process, talk about how to improve the game, help the team, and take care of our drafts.”
Hindi naka-qualify para sa Lima Major ang OG matapos ang kanilang kampanya sa DPC Winter Tour. Tabla sila sa 3rd-4th place ng Tundra Esports at Entity sa dulo ng WEU Division 1 regional league.
Kaso nga lang, nabigo ang OG kontra Tundra at Entity sa ikatlong round ng tiebreakers, dahilan para hindi sila makasali sa Lima Major.
Dota 2 roster ng OG para sa DPC Tour 2
- (1) Artem “Yuragi” Golubiev
- (2) Bozhidar “bzm” Bogdanov
- (3) Dmitry “DM” Dorokhin
- (4) Tommy “Taiga” Le
- (5) Evgenii “Chu” Makarov
- Mikhail “Misha” Agatov (coach)
Nakatakda pang ianunsyo ng Valve ang opisyal na petsa ng regional leagues para sa DPC Spring Tour. Gayunpaman, tuloy ang pakikipagbakbakan ng OG sa Division 1 kasama ang Team Liquid, Gaimin Gladiators, Tundra Esports, Entity, Nigma Galaxy, Ooredoo thunders, at Monaspa.
Ang top four teams sa DPC Tour 2 ay makaka-qualify sa Berlin Major, ang ikalawang Major tournament ng DPC 2023.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ang ultimate online dating guide, mula sa Dota 2 analyst na si Purge