Naglabas kamakailan ng hinanakit si Nuengnara “23savage” Teeramahanon tungkol sa mga Filipino Dota 2 players.
Sa isang uploaded video ng kanyang livestream, idiniin ng professional Dota 2 player mula sa Thailand na hindi na muli siyang maglalaro sa isang koponan na binubuo ng mga Pinoy.
“ในชีวิตนี้ปินอยมีได้มากสุดคนเดียวเท่านั้น ถ้าเกิดจะต้องทำทีม จะไม่มีปินอยสองคนในทีม,” sambit ng Talon Esports player.
(Ayoko nang maglaro sa isang koponan na puno ng Pinoy players kahit kailan. Kung magma-manage ako ng team at pipili ako ng sarili kong players, isang Pinoy lang ang kukunin ko. Hindi ko hahayaan na may dalawa o higit pang Pinoy players sa team ko.)
Maririnig din ang kapwa niya Thai pro player na si Anucha “Jabz” Jirawong na magbigay ng reaksyon sa palagay ni 23savage. Aniya, ‘pag raw naging dalawa ang Pinoy sa isang koponan ay magiging tatlo na rin ito kalaunan.
“ใช่! ถ้าสองคนจะกลายเป็นสาม มันเหมือนภัยร้าย มันเหมือนมะเร็งที่จะค่อยๆลุกลามไปเรื่อยๆ และห้ามให้มันเลือกคนด้วย มันจะเอาคนกันเอง,” dagdag ni 23savage matapos ang reaksyon ni Jabz.
(Parang cancer, dahan-dahan silang kumakalat. Mas mabuti rin na hindi sila kunan ng palagay sa pagkuha ng bagong player dahil pinoy lang ang imumungkahi nila.)
- Kailan lang, gumawa ng kasaysayan si Ephey bilang ang unang babaeng nakapaglaro sa The International
- Dota 2 patch 7.32e pinuntirya ang zoo strats
Ito ang dahilan sa likod ng mga pahayag ni 23savage tungkol sa Pinoy Dota 2 players
Ang nag-udyok sa kanya para sabihin ito ay isang ‘di umano’y Filipino stream sniper. Habang namimili kasi ng hero, sinasadya ng manlalarong may in-game name na “^^” na piliin kung anong pinipili ni 23savage. Sa ranked matchmaking ng Dota 2, awtomatikong naba-ban ang isang hero kung napili ito ng parehong grupo.
Dalawang beses na-ban ang piniling hero ni 23savage dahil sa naturang insidente. Habang pinipili ang ikatlo, nagtaka na ang kanyang mga kakampi, kabilang na ang midlaner ng PSG.LGD na si Cheng “NothingToSay” Jin Xiang. Dito ipinaliwanag ng 21-taong-gulang na carry na siya ay nagla-livestream at malamang ay pinapanood ito ng kanilang kalaban.
Matatandaang naglaro sa ilalim ng T1 si 23savage kasama ang dalawang Filipino players na sina Carlo “Kuku” Palad at Karl “Karl” Baldovino simula noong 2021. Matapos magtapos sa ikatlong puwesto ang kanilang kampanya noong Dota Pro Circuit Southeast Asia 2021/2022 Tour 1, sinipa siya mula sa koponan para maipasok ang isa pang Pinoy na si Khim “Gabbi” Villafuerte.
Bahagyang naglaro sa ilalim ng MotivateTrust.Gaming si 23savage bago palitan naman si Gabbi sa Talon Esports. Dito, namayagpag ang kanyang karera. Napa-alpas niya ang koponan mula sa Division 2 noong ikalawang Tour ng DPC 2021/2022, at nagsilbi rin siyang balakid para sa koponan ni Kuku para makatungtong sa The International 2022.
Samantala, kasalukuyang binubuo ng tatlong Thai players, isang Indonesian, at isang Malaysian ang Talon Esports. Pasok ang koponan sa Berlin Major bilang kinatawan ng Southeast Asia matapos matapos makaselyo ng limang sunod-sunod na panalo sa Division I ng DPC SEA 2023 Tour 2.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: 3 Tips para maging magaling na Dota 2 support player