Ang Black King Bar ay nirework sa pinakabagong Dota 2 patch 7.33, pero sa mas innovative na paraan.

Bitbit ng bagong update, na pinangalanang New Frontiers, ang panibagong nerf para sa defensive item. Ngayon, hindi na Spell Immunity ang ibinibgay ng BKB, kung hindi Debuff Immunity.

Applicable ang pagbabagong hatid ng bagong Dota 2 patch na ‘to pati sa Blade Fury ni Juggernaut at Rage ni Lifestealer.

Paano gumagana ang Debuff Immunity ng Black King Bar sa Dota 2 patch 7.33?

'Di na Spell Immunity ang binibigay ng Black King Bar sa Dota 2 patch 7.33
Credit: Valve

Ang pangunahing take-away ay ang lahat ng mga spell, hindi lamang ang mga tumatagos sa debuff immunity, ay maaring gamitin sa mga target na naka-BKB. Ang mga karaniwang spells na ito ay magdudulot pa rin ng damage, pero bawas na.

Halimbawa, hindi magiging stun ang Earth Spike ni Lion sa isang target na may BKB, hangga’t hindi pa natatapos ang immunity duration. Pagkatapos lamang ito eepekto kung may natitira pa sa duration ng naturang debuff.

Ito ay ang kabuuan ng patch notes ng Valve tungkol sa kung paano gumagana ang bagong debuff immunity, kasama na ang ilang halimbawa:

  • Spell Immunity ay nirework sa Debuff Immunity.
  • Ang Debuff Immunity ay iba sa tatlong pangunahing paraan: ang spell application, debuff protection, at damage reduction.
  • Spell application: Lahat ng mga spell ay maaring magamit sa mga unit na may Debuff Immunity, kahit yung mga hindi tumatagos sa Debuff Immunity. Makikita ang mga visual effects nito at mag-aapply ito ng lahat ng debuffs sa target.
  • Debuff protection: Ang mga negatibong epekto na hindi tumatagos sa Debuff Immunity ay hindi magkakaroon ng epekto sa target habang nasa loob ng duration ng immunity. Ngunit, kung mag-eexpire ang Debuff Immunity bago pa mag-expire ang debuff na hindi tatagos dito, magkakaroon pa rin ito ng epekto sa natitirang duration. Ang mga negatibong epekto na tatagos sa Debuff Immunity ay magkakaroon agad ng epekto.
  • Damage reduction: Ang Debuff Immunity ay magpapataas ng Magic Resistance at tatanggalin na nang tuluyan ang Pure at Reflected damage. Ang mga epekto na ito ay magbibigay proteksyon lamang sa mga spell na hindi tumatagos sa Debuff Immunity. Hindi naman nababawasan ang Physical Damage sa anumang kaso. Narito ang listahan ng Magic Resistance para sa lahat ng mga kakayahan na dati nang nagbibigay ng Spell Immunity:
    • Earth Brewling ni Brewmaster, Clockwerk (Talent), Dawnbreaker (Shard), Elder Titan (Scepter), Huskar (Life Break), Legion Commander (Talent), Lion (Shard), Marci (Talent), Pangolier (Rolling Thunder and Roll Up), ay nagbibigay ng 50% Magic Resistance.
    • Juggernaut (Blade Fury) at Lifestealer (Rage) ay nagbibigay ng 80% Magic Resistance.
    • Ang Dark Portrait illusion ay may 95% Magic Resistance.

Black King Bar ang pinaka-apektado sa pagbabagong ito kaya i-summarize natin ang ilang halimbawa:

'Di na Spell Immunity ang binibigay ng Black King Bar sa Dota 2 patch 7.33
Credit: Valve
  • Avatar: Ginagamit upang tanggalin ang mga debuff at magbigay ng Debuff Immunity. Nagbibigay ito ng 50% Magic Resistance at immunity sa pure at reflected damage. Sa panahon na ito, walang epekto ang anumang negatibong epekto sa gumagamit. Ito ay tatagal ng 9/8/7/6 na segundo.
  • Lahat ng spells na tumatagos sa Debuff Immunity ay magkakaroon ng epekto at magdudulot ng damage habang hindi pinapansin ang Magic Resistance na ibinigay ng BKB.
  • Kung mag-expire ang Avatar bago ang debuff, magkakaroon pa rin ng epekto ang debuff sa natitirang panahon.
    • Example 1: Aktibo ang iyong BKB. Nag-cast si Jakiro ng Dual Breath (magical, hindi tumatagos sa immunity) sa’yo. Hindi kakagat ang slow pero tatanggap ka pa rin ng damage. Ito ay babawasan ng iyong Magic Resistance, na nadadagdagan ng BKB.
    • Example 2: Aktibo ang iyong BKB. Nag-cast si Beastmaster ng Primal Roar (magical, tumatagos sa immunity) sa’yo. Ikaw ay maii-stun at tatanggap ng damage. Babawasan ito ng iyong Magic Resistance, ngunit hindi papansinin ang karagdagang Magic Resistance mula sa BKB.
    • Example 3: Aktibo ang iyong BKB. Binabanatan ka ni Silencer ng Glaives of Wisdom (pure, hindi tumatagos sa Debuff Immunity). Hindi ka tatanggap ng anumang pure damage.
    • Example 4: Aktibo ang iyong BKB. Nag-cast si Bane ng Fiend’s Grip (pure, tumatagos sa immunity) sa’yo. Ikaw ay maii-stun at tatanggap ng 100% na pure damage.
    • Example 5: Aktibo ang iyong BKB ngunit mag-eexpire na ito sa loob ng isang segundo. Mayroong gumamit ng Orchid Malevolence (hindi tumatagos sa immunity) sa’yo. Hindi ka masa-silence sa loob ng isang segundo, ngunit mawawala ang iyong immunity kapag nag-expire na ang Avatar.
    • Example 6: Aktibo ang iyong BKB at nagte-teleport ka. Nag-cast si Vengeful Spirit ng Magic Missile (magical, hindi tumatagos sa immunity). Hindi ka maii-stun o mai-interrupt ang channeling, pero tatanggap ka pa rin ng damage. Babawasan ito ng iyong Magic Resistance na nadadagdagan ng BKB.

Mababasa ang kumpletong listahan ng mga pagbabagong hatid ng Dota 2 patch 7.33 dito.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kailan lang, gumawa ng kasaysayan si Ephey bilang ang unang babaeng nakapaglaro sa The International