Kung nakasalalay ang isang Stockholm Major berth, gaano kalayo ang pupuntahan mo para mapanalo ang laro? Sa kaso ni Kenny “Xepher” Deo, tinransform niya ang isang support Pugna sa isang walking ambulance na anyong tank. 

Tinapos ng T1 at Polaris Esports ang DPC 2021/2022 SEA Division I Tour 2 nang tied para sa third. Dahil nakasalalay dito ang isang pwesto sa Major, nakipaglabanan ang dalawang teams sa isang competitive tiebreaker, at nakuha ng T1 ang laro, 2-0 matapos ang dalawang mahirap na laro na tumagal nang higit pa sa 50 minutes. 

Sa game two, si Pugna ng T1 Xepher ang nagnakaw ng entablado, matapos niyang gamitin ang lakas ng kaniyang hero para mapanitiling buhay ang mga kakampi niya sa mga clash. 

Ang tanky Pugna support build ni Xepher na nagsilbing pundasyon 

Dota 2 Pugna
Credit: Valve
  • Tranquil Boots 
  • Force Staff 
  • Glimmer Cape 
  • Black King Bar 
  • Heart of Tarrasque 

Mabilis na nagiging isa sa mga premier support si Pugna ng competitive meta, at siya rin ang napili para sa isa sa mga best support heroes na nanalo ng MMR sa kasalukuyang patch. Isa sa kaniyang mga lakas ay ang pagbalik niya sa health at mana ng mga kakampi niya, isang biyaya para sa laban. 

Imagine mo ikaw ay isang Storm Spirit, at nagamit mo na ang lahat ng mana mo gamit ang Ball Lightning. Ubos ka na, at nagmumukhang mamamatay ka na sa paparating na labanan. 

Ngunit kailangan ka lang palang higupin para maibalik ka sa dati.  

Para sa Storm Spirit ni Karl “Karl” Matthew Baldovino, laging nandiyan si Xepher para maging back up sa kaniya. Dahil dito, mas naging agresibo ang midlaner ng T1 sa kaniyang mana usage para manatili sa mapa. 

Mas pinili ni Karl I-max out ang kaniyang mana reduction sa laro, at ini-spam niya ang Null Talismans at isang Arcane Blink. Dahil nakakapag-heal ang Life Drain, ang pagkakaroon ng mas mababang mana pool at mas maraming mana reduction ay mas mainam para ma-restore at makagamit ng mana. 

Si Xepher ang nanguna sa pagtitiyak na mataas ang health at mana ng kaniyang mga kakampi. Isa itong super heal na limitado lamang sa sarilingg health ni Pugna, na siyang binibigay niya sa iba. 

Para masolba ang isyu na ito, nag-full tank si Xepher—bumili siya ng Black King Bar at Heart of Tarrasque. Ang Black King Bar ay nagbigay sa kaniya ng kalayaan na makapag-channel para sa katagalan ng kaniyang spell immunity, para hindi ito maistorbo ng spells ng kalab an. Nanatili naman siyang nasa full HP dahil sa Heart of Tarrasque, ibig sabihin kaya niyang gamitin ang Life Drain nang paulit-ulit sa mga kakampi niya, at pwede pa nga siyang sumugod sa mga kalaban. 

Kasabay ng kaniyang paggamit ng Heart of Tarrasque, nagkaroon siya ng sobrang daming health regeneration na kayang-kaya niya gumamit ng Life Drain kung kelan niya gusto.  

Noong nagkaroon na siya ng target sa likod, nagpasiya ang mga heroes ng Polaris na depensahan siya sa paggamit ng iilang ultimates at Black King Bars. 

Sa kasamaang palad, sobrang tagal bago napatumba si Xepher kaya nagkaroon ng sapat na pagkakataon ang iba pang heroes ng T1 na isagawa ang kanilang game plan, at nagdulo ito ng easy teamfight at panalo. 

Ang ibig sabihin ng kanilang panalo ay naka-secure na nila ang serye, 2-0, at naging pangatlo sila sa DPC 2021/2022 SEA Tour 2 at naging final Major berth para sa rehiyon.