Binagsak ng Valve ang Dota 2 patch 7.32 sa kalagitnaan ng ESL One Malaysia 2022 at tiyak na magiging kaabang-abang kung paano nito babaguhin ang meta.

Tampok dito ang pagbabago sa jungle ng Dire, sangkatutak na Aghanim’s Shard at Aghanim’s Scepter rework sa mga hero, pati na rin ang pagpapakilala at pagtanggal sa ilang neutral items.

Bukod sa mga ito, ang isa sa pinakamalaking pagbabagong hatid ng Dota 2 patch 7.32 ay ang pagkakatanggal ng small camps sa mid lane—bagay na humulma sa paraan kung paano laruin ang role sa kasalukuyang meta.

Small camps sa mid lane tinanggal sa Dota 2 patch 7.32 — paano ito makaka-apekto sa meta

Dota 2 patch 7.32: Small camps sa mid lane tinanggal
Credit: Valve

Pormahan na lang kadalasan ang nangyayari sa mid lane bago ang bagong patch. Bihira nang makakita ng solo kills dahil sa dami ng factors na kailangan i-consider. Nariyan ang tower may aura na nagbibigay ng armor, Water Rune para sa regen, at small camp pang-farm.

Sumikat dahil dito ang mga hero na may kakayahang mag-spam ng spells para mas madaling makapag-clear ng creep wave at jungle. Ilan dito sina Puck, Keeper of the Light, at Lina.

Dota 2 patch 7.32: Small camps sa mid lane tinanggal
Credit: Valve

Dahil sa pagkakatanggal ng small camps sa mid lane, tiyak na babalik sa meta ang mga hero na malakas sa lane. ‘Di na kasi magiging ganon kadali bumawi sa experience at pera kung dehado sa lane, ‘di tulad dati na may neutral camp pa.

Babagal na rin ang timing ng mga mid hero. Mas matagal na nilang makukuha ang power spike na naibibigay ng item at skills, dahilan para ma-delay din ang pag-rotate sa sidelanes.

Credit: Valve

Gayunpaman, inaasahang mapapantay nito ang experience curve ng mga cores sa early game.

Matatagpuan ang kumpletong Dota 2 patch 7.32 notes dito.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ‘Don’t play 1v1 against me’: Armel pinanis si SumaiL sa 1v1 mid tiebreaker sa ESL One Malaysia