May namumuo na panibagong partnership sa Southeast Asia, matapos nagsanib pwersa ang dating EVOS Esports CEO na si Ivan Yeo at ang esports organization na Geek Fam.
Magkakaroon ng rebranding ang Geek Fam simula sa kanilang esports team na ngayon ay makikilala na bilang Geek Slate. At maguumpisa ito sa kanilang Dota 2 roster.
Sumali muli ang Geek Fam sa competitive Dota 2 scene noong November 29 2022, kung saan bumuo sila ng bagong team para sa DPC 2023 season. Kabilang sa roster ay sina Rolen “skem” Ong, Joshua “Kokz” Maraño, Nikko “Force” Bilocura, Ravdan “NARMAN” Narmandakh, at Roger “Roddgeee” Tan.
Nag-rebrand ang Geek Slate ng kanilang Dota 2 roster
Ang Geek Slate ang esports arm ng Avium, isang kompanya na cofounded ni Yeo na nakatayo ng US$2 million pre-seed investment noong August 2022.
Sa gitna ng kanilang bagong partnership ay ang Dota 2 roster ng Geek Fam, isang team na lalahok sa paparating na DPC SEA Tour 1 Division I. Lalahok ang Geek Slate para sa US$205,000, 690 DPC points, at isang pagkakataon para makapag-qualify para sa unang Dota 2 Major ng DPC 2023 season.
“Qualifying for an International has always been a personal dream for me, when I sat down with Keat, founder of Geek Fam, it brought me back to the days of when I first started EVOS, the passion, the drive, it was all there. I can’t wait to retake this journey,” sabi ni Yeo.
Maliban sa kanilang Dota 2 squad, inaasahang mag-a-anunsyo pa ng mas maraming teams ang Greek Fam na gagamit ng Geek Slate na pangalan.
Nabanggit din ng Slate at Geek Fam ang posibilidad ng pag-rebrand ng kanilang MPL Indonesia at PMPL Malaysia teams, ayon sa kanilang opisyalk na press release.
May esports team ang Geek Fam na lumalahok sa PUBG Mobile, PlayerUnknown’s Battlegrounds, Mobile Legends: Bang Bang, at Free Fire sa iba’t-ibang SEA countries tulad ng Malaysia, Indonesia, at Philippines.