Isang taon at dalawang buwan lang ang lumipas simula noong ianunsyo ni Anathan “ana” Pham ang kanyang pagreretiro mula sa pagiging professional Dota 2 player pero tila mas matagal siyang nawala. Kahit na kasi umalis siya sa spotlight, bumabalik at bumabalik pa rin siya dahil sa ‘di matawarang husay niya sa pagiging carry.
Sa kabila nito, tila kakaharapin pa lang ata ni ana ang pinakamahirap na pagsubok ng kanyang karera ngayong babalik na muli siya sa kompetisyon. Ibinahagi niya sa isang eksklusibong interview sa ONE Esports kung paano siya nagbatak sa pub games, paano siya napadpad sa T1, at kung paano mag-communicate ang mga Dota teams.
Paano nakatulong ang pag-stand in ni Ana sa Team Liquid at Royal Never Give Up para makabalik sa pro scene
Nagsimula ang usapan tungkol sa pagbabalik ni ana sa competitive scene nitong taon. Namataan kasi siyang naglalaro sa SEA server ng higit sa 10 pub matches kada araw.
Pero hindi pa siya agad nito nakahanap ng masasalihang team, kahit pa umusbong na rin ang mga agam-agam patungkol sa pagsali niya sa T1. Aniya kasi, “[he] wasn’t sure if he still wanted to play.”
Buti na lang at natawagan siya ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi. Ang kapitan ng Team Liquid ang humugot sa kanya para sa kampanya ng kanilang koponan sa Riyadh Masters 2022, ang unang turneo ni ana ngayong taon.
“iNSaNiA contacted me and asked if I wanted to stand-in at Riyadh,” sulat ni ana. “I thought it would be fun and a cool experience, so I was like: ‘why not?’”
Nang magkaroon ng sunod-sunod na issue sa mga visa papalapit sa Arlington Major, may nagmamatyag din pala sa kanyang ibang koponan habang naglalaro siya sa Dubai. Kinailangan ng Royal Never Give Up ng carry player, at kung ano man ang nakita nila ay sapat na para kunin ang Australian player.
“It took a little convincing, but I thought it would be another good experience,” kwento ni ana.
Tumulong si March para mabuo ang paglipat ni ana sa T1
Gayunpaman, iba pa rin ang pagiging stand-in sa pagiging full-time player. Matapos ang mga naturang turneo, mas pinili pa rin ng Liquid at RNG na makipaglaro sa mga orihinal nilang player. Puwera na lang sa T1, na nahihirapang iraos ang noo’y gumugulong na Dota Pro Circuit kahit pa nagtapos sa ikawalong puwesto ang kanilang kampanya noong The International 10.
Ang coach ng T1 na si Park “March” Tae-won ang nag-reach out kay ana, na g na g namang pumunta. Dagdag na rin ng dati niyang connections sa OG, nagsama pa siya ng special guest na matagal-tagal na ring hindi nabababad sa competitive scene.
“March asked me if I am interested to play, and I think I wanted to compete,” aniya. “So we had a talk and asked Topson if he is interested too.”
Kahit ganun, hindi pa rin nagbago ang tingin nila sa dati ang bago nilang mga kakampi. Sa meta kung saan pahirap nang pahirap ang paglalaro ng position one, sinabi ni ana na may pagkakataon si Topias “Topson” Taavitsainen na angkinin ang mapa para mpadali ang pagselyo ng farm at scale.
Naghahanda na ang T1 para sa mahabang landas patungong TI11
Ang pinakamahirap na pagsubok na kakaharapin nina ana at buong T1 ay ang landas pabalik sa Dota 2 world championship. Matapos ang kabiguan nilang mangibabaw sa Southeast Asia qualifier, kailangan naman nilang suyurin ang Last Chance Qualifier kasama ang iba’t-ibang koponan mula sa buong mundo.
Kahit ilang linggo lang ang naging paghahanda nila, inamin ni ana na puspusan ang pag-eensayo ng T1, kahit pa saglit lang ang natirang panahon para masemento nila ang kanilang chemistry.
“Everyone seems to like each other, and that’s the most important thing.”
Bagamat mas kilala si ana bilang hard-farming carry, committed naman ang T1 sa dual-offlaner strategy na maaaring magpaalala sa fans sa panahong gumagamit ng hyperactive midlaners, na inamin niyang maari pa rin nilang gamitin.
Para naman sa kanyang secret weapon, ito ang masasabi ni ana:
“Vengeful Spirit,” aniya. “Because I can feed and still feel good.”
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: TI11 Last Chance Qualifier: Group stage standings, schedule at mga resulta