Kinuha nila Clement “Puppey” Ivanov at Team Secret ang unang slot sa The International 11 mula sa TI11 Last Chance Qualifier. Pinagharian ng Western European squad ang upper bracket playoffs matapos walisin ang Virtus.pro sa iskor na 2-0.
Dahil sa panalo, nasiguro ni captain-hard support Puppey na tuloy ang kanyang makasaysayang record bilang natatanging Dota 2 player na nakadalo sa bawat edisyon ng The International.
Pinangunahan ng matagumpay na kapitan ang kanyang koponan patungo sa TI11 gamit ang isang clutch play kung saan niligtas niya ang Sniper ni carry Remco “Crystallis” Arets sa Game 1 ng serye kontra VP.
Dinomina ng Team Secret ang TI11 LCQ upper bracket playoffs
Maganda ang panimula ng Luna ni Virtus.pro carry Roman “RAMZES666” Kushnarev sa unang laro at nakuha niya top hero net worth dahil sa libreng farm sa top lane. Napanatili ni Michał “Nisha” Jankowski ang Team Secret sa laro sa pamamagitan ng kanyang malalaking plays sa mapa gamit ang midlane Batrider.
Subalit nasunggaban pa rin ng VP ang 10K gold lead matapos magpokus sa Sniper ni Crystallis sa mga mid-game team fights. Nagawang mapaalis ng Secret ang VP sa kanilang Radiant jungle at sumugal sa para sa Aegis of Immortal.
Nagmamadali ang Secret sa pagkuha ng Aegis ngunit umabot ang VP para mag-contest sa Roshan pit. Upang masiguro na mapupulot ni Crystallis ang Aegis, ginamit ni Puppey sa Witch Doctor ang kanyang Linken’s Sphere at Lotus Orb sa Sniper. Nakontra nito ang Primal Roar ng kalabang Beastmaster at natulungang makatakas si Crystallis kaya nagkaroon sila ng espasyong huminga.
Bukod sa dalawang clutch save items, binuhos din ni Puppey ang lahat ng skills niya upang mapigilan ang paglapit ng mga miyembro ng VP kay Crystallis na nakagamit ng TP pauwi.
Pagkatapos ng maiksing skirmish sa Rosh pit, nakapag-farm ang Secret at umarangkada sa pagpanalo ng mga sumunod na team fights. Sa mga huling sandali ng laro, sinugal ng Secret ang pagbasag ng Tier 4 towers kaya napuwersang mag-buyback ang VP players. Nanaig sina Puppey sa matinding final clash para ipako ang 1-0 kalamangan sa serye.
Bitbit ang momentum, mariing dinomina ng Team Secret ang Game 2. Sinubukan ng Virtus.pro na kontrahin ang Monkey King pick para kay Crystallis gamit ang bibihirang mid Tusk para kay Danil “gpk” Skutin. Kaya kasi nitong patalsikin ang MK palabas ng Wukong’s Command ultimate gamit ang Aghanim’s Scepter ability ng Tusk na Walrus Kick.
Bagamat magandang tignan sa papel ang stratehiya, hindi ito nagawang paganahin ng VP. Naglagablab ang magic-type Lina ni Nisha at Primal Beast ni Roman “Resolut1on” Fomynok upang maisara ng Secret ang sweep sa loob lang ng 28 minuto.
Nagpapatuloy si Puppey bilang tanging manlalaro na nakadalo sa lahat ng TI
Nanatiling nakatayo si Puppey bilang natatanging manlalaro na nakapagkwalipika sa lahat ng edisyon ng The International na nagsimula noong 2011.
Nagkampeon siya sa TI1 kasama ang Natus Vincere at nakapasok sa tatlong sumunod na Dota 2 world championship bilang parte pa rin ang maalamat na Ukrainian organization. Mula TI5 hanggang sa ngayon, pinagpatuloy ni Puppey ang kanyang TI attendance streak kasama ang Team Secret.
Sasabak ang Secret sa TI11 group stage na itatampok ang 20 sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo. Isasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-18 ng Oktubre.
Para sa mga balita patungkol sa Dota 2 at TI, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: Slardar ni Team Secret Crystallis nakipag-1v4 sa TI11 LCQ group stage