Hindi madali o mura ang magpa-level ng TI11 Battle Pass.
Buti na lang ay inilabas na ng Valve ang Level Bundle para mabigyan ng opsyon ang mga may TI11 Battle Pass na makuha ang lebel at cosmetics na gusto nila sa mas murang halaga.
Sa halagang USD $29.99, makakakuha ang mga manlalaro ng 120 Battle Levels, siyam na Immortal Treasure I, anim na Immortal Treasure II, anim na Ageless Heirlooms Treasure, at anim na Battle Pass Collection Treasures.
Dati, ang naturang presyo ay para sa lang sa level 50 Battle Pass. Ani Valve handog daw nito ay “75 percent savings on the combined value of the levels and treasures.”
Isang beses lang ito maaaring bilhin ng mga customer, hindi tulad noong mga nakaraang taon. Ibig sabihin, kung level 100 ang TI11 Battle Pass na binili mo, makaka-abot ka sa level 220 pagkabili ng Level Bundle. Maa-unlock sa level na to ang Crystal Maiden Persona, ang custom Tower ngayong taon, at tatlong levels bago ang Primal Beast prestige item.
Kailangan pa rin mag-grind o bumili ng karagdagang levels para sa ibang rewards sa TI11 Battle Pass, gaya ng Razor at Faceless Void Arcana, pati na rin ang Phantom Assassin Persona.
May Fantasy na sa TI11 Battle Pass
Bago magsimula ang group stage ng TI11, binuksan na rin ng Valve ang Fantasy.
Tila pareho naman ang sistema kung paano tumakbo ang Fantasy ngayon at noong DPC season. Maglalatag lang ng roster ang mga manlalaro para makakuha ng points depende sa performance ng kanilang mga player.
- Top 10 percent: Apat na Fantasy levels
- Top 25 percent: Tatlong Fantasy levels
- Top 50 percent: Dalawang Fantasy levels
- Bottom 50 percent: Isang Fantasy level
May bigay na 300 Battle Points ang bawat isang Fantasy level. May dagdag din na 300 ‘pag naka-abot sa four Fnatasy levels. Ibig sabihin, maaaring makakuha ng 1,500 Battle Points kada four levels.
Sa loob ng 10 araw na kompetisyon, maaaring makakuha ng tatlong Battle Pass levels ang mga manlalaro. 15 levels naman ang makukuha ng mga makaka-maintain ng kanilang posisyon sa Top 10 percent araw-araw.
‘Di nga lang tulad noong DPC season, tila wala atang bonus Treasure ‘pag nakaka-apak sa ika-apat na Fantasy level.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Eksklusibo: Ipinaliwanag ni ana kung bakit siya sumali sa T1 at kung paano niya nahugot si Topson