Bilang isa sa pinakabeteranong manlalaro sa professional Dota 2 scene, nakita na at nagawa na ni Clement “Puppey” Ivanov ang lahat.

Ang maaalamat na kapitan ng Team Secret ang natatanging manlalaro na nakapasok sa bawat edisyon ng The International matapos nilang pagharian ang TI11 Last Chance Qualifier.

Bagamat natutuwa ang Western European squad sa kanilang pagkwalipika sa TI11, ibinihagi ni Puppey ang kanyang pagkadismaya sa format ng Dota Pro Circuit (DPC) ngayong taon. Tinawag niya pa nga itong “bugged system” sa post-tournament inteview.


‘Di nagustuhan ni Puppey ang DPC format ngayong taon

Puppey
Credit: Valve/Wykrhm Reddy

Walang pag-aalinlangang nagbitaw ng maaanghang na salita ang prangkang kapitan pagkatapos ng kanilang 2-0 sweep kontra Virtus.pro sa upper bracket final ng TI11 LCQ.

“I hated this season,” wika niya. “I was losing my mind in the first season.”

Ipinaliwanag ng TI1 champion na ang Regional League format ng DPC kung saan naglalaban ang mga koponan sa isang single-round robin na tumatagal ng mahigit isang buwan ay nagdulot kakulangan ng urgency sa kanyang koponan. Sa DPC 2022 season, pumalya ang Secret na makapasok sa kahit anong Major dahil nagtapos sila sa 5th place sa lahat ng tatlong Tour.

“As everyone saw, we didn’t do good,” ani niya. “I feel like people weren’t stressed enough because there was a lot of time, but I don’t think there is time. There is no time in this past DPC. You literally have only two chances.



Para kay Puppey, hindi dapat pinapahaba ang season at dapat mabilis lang na nilalaro ng mga koponan ang kanilang mga serye.

“Esports is fast, we’re not morons,” saad niya. “We don’t need downtime. I don’t understand what this bullshit is about, regarding esports needing some downtime.”

“We can play 15 games a day,” he continued. “I understand that’s rough, but our capacity of what we can do is much higher. We don’t get tired of it that easily. If people can do it, we should abuse the situation.”



Sa kabila ng mga pinagdaanan nila sa nagdaang season, natagpuan ng Secret ang kanilang form at nagbalik sa paglalaro na parang isa sa pinakamalakas na koponan sa buong mundo matapos pagtagumpayan ang Last Chance Qualifier.

Patuloy ang pakikipaglaban nila Puppey at kanyang koponan sa pinakamalaking Dota 2 event ng taon sa Singapore.

Para sa Dota 2 at TI11 updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Pagsasalin ito ng katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.


BASAHIN: Top 5 plays mula sa TI11 Last Chance qualifier