Malapit na ang unang Dota 2 Major ng DPC 2023 season — ang Lima Major.
Magsasagupaan ang 18 pinakamalakas an koponan mula sa anim na regional leagues ng DPC Winter Tour sa Lima, Peru. Ang mga koponan na ito ang nagtala ng best series records sa kani-kanilang rehiyon.
Lahat ng kasaling koponan sa Lima Major ay maglalaban-laban para sa US$500,000 o mahigit PHP27 milyon na prize pool kasama ang 1,900 DPC points na kailangan upang makapasok sa The International 2023.
Team Aster at Team Liquid ang unang dalawang koponan na nakaselyo ng kanilang tiket patungong Peru, sa oras ng pagkakasulat. Nakapasok ang Aster matapos kunin ang ikalimang sunod na panalo sa DPC China habang nananatiling perpekto ang Liquid sa DPC Wester Europe sa anim na serye.
Heto ang lahat ng 18 koponan na pasok sa Lima Major
KOPONAN | REHIYON |
Team Liquid | Western Europe |
Gaimin Gladiators | Western Europe |
TBD | Western Europe |
TBD | Western Europe |
BetBoom Team | Eastern Europe |
Team Spirit | Eastern Europe |
HellRaisers | Eastern Europe |
Team Aster | China |
TBD | China |
TBD | China |
TBD | China |
Execration | Southeast Asia |
TBD | Southeast Asia |
TBD | Southeast Asia |
TSM | North America |
Shopify Rebellion | North America |
Evil Geniuses | South America |
beastcoast | South America |
Matapos ang tatlong linggong bakbakan sa DPC Winter Tour, kumalas na ang mga nangungunang koponan mula sa iba upang makausad sa Lima Major.
Sa ngayon, ang Western Europe ay may tatlo pang natitirang Major slots na paglalabanan ng apat na koponan. Nauungusan naman ng TI10 champion Team Spirit at BetBoom Team ang kompetisyon sa Eastern Europe tangan ang parehong 5-0 series record.
Tatlong Major spots din ang ‘di pa napupunan sa China. Nasa pagitan ng PSG.LGD, Xtreme Gaming, Invictus Gaming, EHOME at Knights ang bubuo nito. Nagtatagisan din ang mga koponan sa Southeast Asia kung saan nasa contention pa ang Blacklist Rivalry, Bleed Esports at Talon Esports habang pasok na ang kasalukuyang top team na Execration.
Gaya ng inasahan, ang mga paboritong koponan ang nagdomina sa North at South America. May malinis na 5-0 record ang Shopify Rebellion at TSM sa NA. Parehong kartada rin ang hawak ng Evil Geniuses at beastcoast sa SA.
Isasagawa ang group stage ng Lima Major mula ika-22 hanggang ika-26 ng Pebrero at susundan ito ng playoffs mula ika-28 ng Pebrero hanggang ika-5 ng Marso.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.