Iba’t-ibang Dota 2 records ang na-set sa The International 10 noong 2021.
Tampok dito ang unang double rampage, ang unang beses na nagharap ang dalawang magkapatid, and, salamat kay Mira “Ephey” Riad, ang kauna-unahang pagkakataon na nakapaglaro ang isang babae sa The International main stage.
Noong 2021, nag-host ng All-Star match ang The International 10 noong ikalawa sa huling araw ng turneo. Tampok dito ang paghaharap ng mga broadcast talents.
All Random Death Match ang nilaro nila, kung saan nagharap ang English talents kontra Russian talents.
Kinatawan ni Ephey ang English broadcast talent sa Team Dragon
Isa si Ephey sa isa sa mga miyembro ng English broadcast ng TI10 at naglaro siya kasama ang ibang talents sa ilalim ng Team Dragon.
TI10 TEAM DRAGON MEMBERS |
Brian “BSJ” Canavan |
Kurtis “Aui_2000” Ling |
Mira “Ephey” Riad |
Troels Lyngholt “syndereN” Nielsen |
Aydin “iNSaNiA” Sarkohi |
10 heroes ang nilaro ni Ephey noong TI 10 All-Star match
All Random Death Match ang game mode noong All-Star match ng The International 10. Sa nasabing game mode, nagpapalit ang hero na ginagamit ng isang player sa tuwing namamatay ito. Para manalo, kailangang maunahan ng isang koponan ang kanilang kalaban na makakuha ng 45 na kills o ‘di kaya naman ay mabasag ang base.
Sinimulan ni Ephey ang laban gamit ang Chaos Knight. Dumalaw siya sa ibang lanes para makapag-gank, at sa isang pagkakataon, natulungan pa niya si BSJ na makaselyo ng Triple Kill gamit ang Dark Willow.
Pagkamatay ni Ephey, nabuhay siya bilang Arc Warden, at sumunod naman ang Keeper of the Light.
Ginamit niya si Keeper of the Light para maselyo ang isang importanteng team fight sa top lane kung saan napatama niya ang full-charged Illuminate na muntik pumatay sa Enchantress ni Sergey “Smile” Revin.
Sa 10 hero na kanyang nilaro, tabla sina Ephey, syndereN, Smile, at Oleksandr “XBOCT” Dashkevych sa pinakamaraming hero na nilaro, gaya pa nina Timbersaw, Bristleback, Phantom Assassin, Oracle, Riki, Abaddon, at Spirit Breaker.
Sa huli, napunta sa Russian talents na Thunderhide ang tagumpay. Maganda ang ipinakitang laban ng parehong koponan, at inaalala ito bilang isa sa pinakamagandang All-Star matches sa kasaysayan ng The International.
Matagal nang streamer ng Dota 2 si Ephey sa Twitch. Nagsimula ang kanyang karera bilang isang professional caster sa WePlay AniMajor. Simula noon, napanood na rin siya sa ESL One Fall 2021 at OGA Dota PIT Season 5: China bilang analyst.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Gaimin Gladiators kampeon ng Lima Major, walang galos sa playoffs