Para sa karamihan, maipapakita ang suporta at pagmamahal sa paborito nilang videogames sa pamamagitan ng pagbili ng in-game items o official merchandise. Pero ang ibang Dota 2 fans ay ipinakita ang ibang klaseng pagmamahal nila sa pamamagitan ng pagpapa-tattoo ng paborito nilang heroes.
Sa pagpapa-tattoo, kailangang buo ang loob mo. May kamahalan, masakit, at siyempre permanente. Pero itong mga Dota 2 fans na ‘to ay talagang nasa ibang level.
Tandaan na ang pinakamagagandang pyesa ng tattoo ay dahil sa mga mahuhusay na artist. Siguraduhin na kung magpapa-tattoo ka, dun ka sa kilala, may magandang reputasyon, at may public portfolio. Suriin din ang mga gawa nila at tignan kung nababagay sa gusto mong kalabasan ng iyong tattoo ang kanilang style.
At panghuli, huwag magmadali. Pag-isipan mong mabuti kung anong gusto mong ipalagay at kung bakit yun ang napili mo.
Kung nagbabalak kang magpalagay ng Dota 2 themed tattoo pero hindi mo alam kung saan magsisimula, tignan ang gallery sa ibaba para magkaroon ka ng ideya.
Kung ayaw mo naman sa mga malalaki, naghuhumiyaw, at edgy na piyesa, meron din namang ibang styles na pwede mong pag-eksperimentuhan.
Katawan mo ‘yan. Ikaw ang bahala.