Sa ngayon, nananatili ang The International bilang pinakamalaking esports tournament, na may total prize pot na umaabot sa milyong-milyong dolyar.
Sa ayaw mo man o sa gusto, ang Dota 2 ang tumayong isa sa mga pundasyon ng esports na kilala natin ngayon, kasama na dito ang pagiging halimbawa sa kung paano ang dapat na premyo sa esports.
Sa Gamer’s Paradise Episode 9, tinalakay ang isa sa mga pinakakomplikado at teknikal na MOBA games na nilalaro pa rin hanggang ngayon, kung saan hinanap nila ang kasagutan sa pinakaimportanteng tanong ng marami: Alin ang best Dota 2 heroes na gamitin pampataas ng MMR?
Dota 2 bumida sa Gamer’s Paradise Episode 9
Sa segment na The Pulse, sinubukang sagutin ng mga casters na sina John “johnxfire” Nathan Fernandez at Caisam “Wolf” Nopueto ang katanungang ito.
Hindi nakakagulat na sobrang magkaiba ang mga heroes na sinagot ng dalawa.
ROLE | JOHNXFIRE | WOLF |
Safelane | Gyrocopter | Juggernaut |
Midlane | Zeus | Templar Assassin |
Offlane | Underlord | Pangolier |
Soft support | Shadow Demon | Grimstroke |
Hard support | Ogre Magi | Vengeful Spirit |
Sa kabila ng mahabang debate, sa huli ay hindi pa rin sila nagkasundo kung sinong hero ang best para magpataas ng MMR. Si johnxfire ay mukhang pumapabor sa mga heroes dahil sa pagiging simple ng kanilang mechanics, habang si Wolf naman ay bumabaling sa mga may kakayahang magbigay ng mas mataas na versatility at flexibility.
Pumihit naman ang episode papunta sa Hero Story, tampok ang Malaysian Dota 2 pro na coach na ngayon ng BOOM Esports na si Chai “Mushi” Yee Fung, isa sa mga pinakamagaling na player sa Southeast Asia region.
Sa kanyang mahabang career na nagsimula pa noong 2011, nagkaroon si Mushi ng pagkakataon na makalaro ang mga alamat sa eksena. Pero ang isang player na hindi niya malilimutan ay ang Chinese player na si Xu “BurNIng” Zhilei, kilala bilang isa sa mga pinakaeksperyensadong carry players sa buong mundo.
“In one of the tournaments we played, he played nine different heroes and won the entire thing,” sabi niya. “So amazing.”
Gayunpaman, nakatuon ngayon ang kanyang mga mata kina Leon “Nine” Kirilin ng Tundra Esports at Erin “Yopaj” Ferrer ng BOOM Esports. “I really love watching how the new players play mid,” sabi niya.
Nagtapos ang episode kung saan ang lahat nang guests ay nakibahagi sa isang kakaibang game ng Pictionary tampok ang mga in-game Dota 2 items. Kung sa tingin mo ay mahirap na ang Pictionary, subukan mong mag-drawing ng Voodoo Mask.
Ang Gamer’s Paradise ay ipinapalabas tuwing Monday sa mga social channels ng ONE Esports, kabilang na ang Facebook, Twitch, YouTube, at AfreecaTV, 8.30 p.m. GMT+8.