Natus Vincere, o Na`Vi, ang kauna-unahang koponang naghari sa The International. Noong 2011, naitala sa kasaysayan ang tagumpay nina Ivan “Artstyle” Antonov, Danil “Dendi” Ishutin, Oleksandr “XBOCT” Dashkevych, Clement “Puppey” Ivanov, and Dmitriy “LighTofHeaveN” Kupriyanov.
Ngayong simula na ulit ng TI season, balikan sa Dota 2 documentary na Free to Play ang mga sandali kung kailan nagsimula ang makasaysayang Dota 2 world championship.
Saan mapapanood ang Free to Play documentary ng Dota 2 online
Tampok sa “Free-to-Play” ang kwento sa likod ng kauna-unahang The International tournament na ginanap noong 2011. Sinundan nito ang paglalakbay ng Dota 2 legends na sina Benedict “hyhy” Lim, Clinton “Feat” Loomis, at Danil “Dendi” Ishutin.
Napasilip din sa naturang palabas ang early days ng esports, bago pa maging tanyag ito bilang isang multi-million dollar na turneo.
May run time na isang oras at 15 minuto ang Free to Play. Mapapanood ito sa Netflix at sa opisyal na YouTube channel ng Valve.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Eksklusibo: Ipinaliwanag ni ana kung bakit siya sumali sa T1 at kung paano niya nahugot si Topson