Sa isang nakakagulat na pangyayari, napagpasyahan ng Evil Geniuses na pakawalan ang kanilang popular na Dota 2 roster.

Opisyal nang free agent si Pinoy midlaner Abed “Abed” Yusop maging ang mga kasamahan niya na sina Artour “Arteezy” Babaev, Egor “Nightfall” Grigorenko, Andreas “Cr1t-” Nielsen, Tal “Fly” Aizik, at coach Kanishka ‘Sam’ “BuLba” Sosale matapos ang ianunsyo ng North American organization ang pag-drop sa kanilang lineup.

Evil Geniuses Dota 2
Credit: Evil Geniuses

Ang siguradong mami-miss ng Evil Geniuses fans ay sina Arteezy at Cr1t- na bumida para sa EG nang mahigit anim na taon.

“Part of me will always bleed blue, but this is just the start of a new era for North American Dota,” wika ni Cr1t- sa kanyang Twitter account.


Mananatili ang Evil Geniuses sa Dota 2, pero kukuha ng South American roster

Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Sa kabila ng nakakagulat na desisyon, hindi naman magpu-pull out sa Dota 2 ang Evil Geniuses, bagkus ay lilipat lamang pa-timog.

Sinabi ni EG CEO Nicole LaPointe Jameson sa isang video na bubuo ng isang “incredible super team” ang organisasyon na nakabase sa South American region para sa Dota Pro Circuit (DPC) 2023 season.

“The opportunity and the grittiness of the South American Dota scene is unparalleled, and is something that we at Evil Geniuses are very excited to enter into going forward,” paliwanag ni Jameson.

Tila pinapatunayan nito ang bali-balita na kukunin ng sikat na NA org ang ilang sa top-performing players mula sa SA scene sa nagdaang taon. Dumaan na sa roster changes ang Thunder Awaken at beastcoast, na nagtapos sa top 6 at top 8 sa The International 11.

Ang usap-usapan na magiging roster ng Evil Geniuses para sa DPC 2023 season

Credit: Valve
  • Crhistian “Pakazs” Casanova
  • Jean “Chris Luck” Salazar
  • Adrián “Wisper” Dobles
  • Farith “Matthew” Huamancaja
  • Jose “Pandaboo” Hernandez

Sina Pakazs, Matthew at Pandaboo ay mga dating miyembro ng Thunder Awaken habang sina Chris Luck naman at Wisper ay naging parte ng beastcoast.

Parehong nilaglag ng SA squads na ito ang top seed na Evil Geniuses sa TI11. Unang winalis ng Thunder Awaken ang EG, 2-0, sa upper bracket round 1 at sunod na pinaluhod ng beastcoast ang NA team sa parehong series score sa lower bracket round 2.

Para sa mga balita patungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.


BASAHIN: T1 Dota 2 nag-disband na; sino ang papalit sa kanila sa DPC SEA?