Pinagbaga ng Ember Spirit cosplay ang The International 2022 cosplay competition matapos itong hirangin bilang kampeon ng taunang kompetisyon.
Rumampa si Shabaz sa entablado ng Singapore Indoor Stadium suot ang maangas na costume ng Agility hero noog ika-29 ng Oktubre.
HInigitan niya ang lahat ng critera ng kompetisyonPinagbaga ng Ember Spirit cosplay na ‘to ang TI11 cosplay contest—accuracy, craftsmanship, portrayal, presence, at creativity.
Judge sa naturang kompetisyon sina Alodia Gosiengfiao, Oh “Tasha” Go-eun, at Yaemin “Vera Chimera” Arslan.
Ember Spirit cosplay ni Shabaz, wagi sa TI11 cosplay contest
Inuwi ni Shabaz ang pinakamalaking bahagi ng cosplay contest prize pool na US$15,000.
Bumida rin ang Rubick cosplay ni Arty.ficer x Aviantese na pinarangalan ng Best Technique dahil sa malinis at pulidong presentation niya sa Grand Magus.
Kumpletong listahan ng mga nanalo sa TI11 cosplay contest
KATEGORYA | COSPLAYER | HERO |
Best technique | Arty.ficer x Aviantese | Rubick |
Biggest transformation | Mizuki Otawa | Huskar |
Judge’s choice | Hadi Aker | Weaver |
Best in show | Shabaz | Ember Spirit |
Nag-uwi ng US$1,500 sina Atty.ficer x Aviantese, Mizuki Otawa, at Hadi Aker dahil sa mahusay nilang cosplay.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Tundra Esports umarangkada sa tuktok ng Dota 2 matapos ang sweep sa TI11 grand finals