Isang creep, at isang HP – ang laban sa pagitan ng Team liquid at Thunder Awaken sa lower bracket quarterfinal match ngTI11 ay isa sa mga pinaka-epic na series sa kasaysayan ng The International.

Meron ito ng lahat nang pwedeng hilingin ng isang Dota 2 fan, kabilang na ang isang imposibleng mega creep comeback win, isang nakakabilib na bounceback game, at isang all-time clutch save na pag-uusapan ng lahat sa mga darating na taon.

Sa huli, ang Team Liquid ang tinanghal na panalo laban sa Thunder Awaken 2-1 sa itinuturing na pinakamagandang laban sa The International 2022 sa ngayon.

Ang matinding sagupaan ng Team Liquid at Thunder Awaken sa TI11 playoffs

Team Liquid Thunder Awaken TI11
Credit: Valve

Isang mega creeps comeback ang nagawa ng TA laban sa Liquid sa game one

Nagdomina ang Thunder Awaken sa laning phase sa game one kung saan ipinanalo nila ang tatlong lanes.

Dahil sa kanilang maagang lamang, ang midlane Mars ni Herrera “Darkmago” Gonzalo, offlane Enigma ni Rafael “Sacred” Yonatan, at support Rubick ni Farith “Matthew” Huamancaja ay nagawang i-rush ang kanilang mga Blink Daggers.

Napalakas nito ang kapangyarihan ng TA na mag-initiate ng team fights laban sa Liquid. Pag pasok nina Darkmago at Matthew sa laban, naghihintay si Sacred ng tamang pagkakataon para mag-blink in at bitawan ang kanyang Black Hole ultimate bilang panapos.



Ipinagpatuloy ng TA ang pagiging agresibo sa akgustuhang mabilis na iligpit ang Liquid. Subalit nagbigay lang ito ng daan upang maibalik ang laro ng Liquid.Pinarusahan ng Western European squad ang TA dahil sa pagdala nito ng mga fights sa kanilang Dire Outpost.



Nagpalitan ng mga crucial team fights ang dalawang teams hanggang sa makapagbitaw ng isang magandang Black Hole ang Enigma ni Sacred sa labas ng Roshan pit. Dahil naiwang walang depensa ang base ng Liquid, nagpasya ang TA na lusubin ang Dire throne.

Mala slang ng South American squad, masyado silang nagtagal sa base ng kalaban. Nagawa ng support Tiny ni Samuel “Boxi” Svahn na patagalin ang laban upang magkaroon ng sapat na oras ang kanyang team na mag-respawn at palayasin ang TA sa kanilang Dire base.



Matapos malamangan ng 13,000 gold, in-invade ng Thunder Awaken ang Dire jungle. Sa kasamaang palad para sa South American squad, ang fight ay naganap sa isang Dire team-controlled Outpost. Dahil dito ay nagawa ng Liquid na gamitin ang kanilang buybacks at agad na makabalik sa laban.



Matapos manalo sa clash, na-secure ng Liquid ang Roshan kasama ang lahat nang rewards na dala nito. At sa halip na maghintay para sa two-minute timers ng kanilang mga buybacks, nagpasya ang Liquid na dalhin ang laban sa bottom lane na nagresulta sa kanilang pagkasawi.

Nahuli ng Enigma ni Sacred at Mars ni Darkmago sina Boxi at Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen sa kanilang mga ultimate kung kaya’t nakapagpakawala ng malaking damage ang Bloodseeker ni Crhistian “Pakazs” Casanova. Naghiwa-hiwalay sa magulong team fight ang mga heroes ng Liquid at isa-isang pinitas ng TA ang kanilang mga kalaban.



Pagkatapos makuha ang panalo sa labas ng Radiant base, sumugod ang TA sa midlane papunta sa Dire Ancient. Hanggang sa huling sandali, sinubukan ni Boxi na mapatay ang Radiant creep wave na tumatakbo patungo sa kanilang base. Ito sana ang magbibigay sa kanila ng backdoor protection. Ngunit may isang creep na nakalusot kung kaya’t nagawa ng TA na sirain ang Dire Ancient.

Sa kabila ng pagkatalo sa isang mega creep comeback, nagawa ng Liquid na bumawi sa game two. Nagawa ng Ursa ni MATUMBAMAN at Puck ni Michael “miCKe” Vu na wasakin ang Thunder Awaken upang dalhin ang series sa game three.



Isang matinding final game na napagpasyahan sa 1 HP

miCKe 1 HP moment
Credit: skrff

Binigay ng dalawang teams ang comfort heroes ng isa’t isa kung saan kinuha ng Thunder awaken ang Enigma, Marci, at Pudge. Ang Liquid naman ay nakuha ang Lifestealer, Pangolier, at Leshrac. Subalit nagpasya ang Western European team na ilagay ang Leshrac sa offlane, habang ang Pangolier naman sa midlane.

Nagbunga ang desisyong ito dahil nagdomina sa kanyang lane si Ludwig “zai” Wåhlberg kung kaya’t maaga silang nakakuha ng lamang. Gamit ang heavily farmed na disco pony, si zai ang naging primary damage dealer ng Liquid. Nagawa niyang makapagbigay ng 8,400 damage sa isang team fight.



Sa kabila ng muling pagkadehado, nagawa pa rin ng TA na makakuha ng mga crucial kills upang manatiling dikit ang laban. Nakuha ng South American squad ang lamang nang makuha nila ang Roshan at manalo sa isang mahalagang team fight sa top lane. Bumira na naman ang Enigma ni Sacred, na humuli sa mga cores ng Liquid sa sa isang Black Hole.



Kinalaunan ay kontrolado na ng TA ang mapa at kinuha ang Aegis para sa Pudge ni Pakazs. Nagpasya ang South American squad na tapusin ang serye sa isang push laban sa natitirang depensa ng Liquid. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi nakapagbitaw ng kanyang ultimate ang Enigma ni Sacred matapos itong ma-bash ng Pangolier ni miCKe.

Nagbigay ng matinding damage ang Ember Spirit ni Darkmago na nagbigay sa kanyang ng Rampage. Ngunit dahil naganap ang laban malapit sa fountain ng Liquid, nagawang sulitin ng Western European squad ang kanilang mga buybacks. At sa huli ay naubos ang mga heroes ng TA.



Matapos matagumpay na depensahan ang kanilang base, agad na ninais ng Liquid na tapusin ang game at sumugod papunta sa tier four towers ng Radiant. Sa gitna ng kaguluhan, nahuli ni Sacred si miCKe sa isang clutch Enigma Black Hole.

Sa huling natitirang sandali, dumating si MATUMBAMAN upang gamitin ang Infest ng kanyang Lifestealer upang iligtas ang kanilang midlaner.

Ibinahagi ng TI11 observer na si Rikard ‘skrff’ Melin na 1 HP na lang ang natitira sa Pangolier ni miCKe bago ito nailigtas sa pinakahuling Segundo.



Dahil nabuhay si miCKe, nakatakas ang Pangolier ng Liquid gamit ang Swashbuckle at Rolling Thunder. Matapos matalo sa laban, wala nang naibuga ang Thunder Awaken at nagpatuloy na ang Liquid upang ipanalo ang malaalamat na game.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.