Kapwa napagdesisyunan ng Pinoy organization na Polaris Esports at kanilang Dota 2 players na maghiwalay na matapos umano silang makatanggap ng mainam na offers mula sa ibang teams.
Dahil dito, hindi na maglalaro sina John “Natsumi-” Vargas, Mc “Lelouch-” Villanueva, Nikko “Force” Bilocura, Marvin “Xavius” Rushton, and Nico “eyyou” Barcelon sa ilalim ng Polaris.
Sa kanilang opisyal na pahayag, sinabi ng Polaris management na hindi nila kayang sabayan ang pinansyal na kapabilidad ng ibang mas malalaki at mas kilalang organisasyon.
“There were offers for the players that were too far out of our reach and there are also wishes from our members to go and try a different environment. We have always and still prioritize the growth and welfare of our peers. Without reservations, we are happy to see them prosper and grow even if it is not with us,” saad ng organisasyon.
Sa kabila nito, hindi naman magsasara ang organisasyon at patuloy silang maghahanap ng mga talento upang makapagsimula muli.
Mananatili kaya ang dating players ng Polaris Esports?
Kung titignan ang resulta ng koponan sa gitna ng mahigpit na kompetisyon sa Southeast Asia, posibleng binili ng ibang organisasyon ang buong roster. Gayunpaman, walang konkretong anunsyo ang mga manlalaro patungkol dito.
Isang laro lang ang namagitan sa Polaris Esports para direkta sana silang makapasok sa The International 11. Sa kasamaang palad, natalo sila sa kamay ng Talon Esports sa isang dikdikang 5-game grand finals sa SEA Regional Qualifier.
Nakaselyo ng upper bracket slot ang Polaris sa TI11 Last Chance Qualifier matapos makapagtala ng parehong record sa eventual TI11 grand finalist na Team Secret. Subalit nakalasap sila ng back-to-back na pagkatalo sa eventual top 3 na Team Liquid at Wildcard Gaming.
Nagpatuloy pang maglaro ang koponan pagkatapos ng TI11 at pinangibabawan nila ang Asia Pacific Predator League 2022 sa Japan matapos pumihit ng 2-1 reverse sweep kontra sa kapwa Pinoy squad na Execration.
Para sa mga balita patungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Pagsasalin ito ng akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.