Ipinakilala na sa wakas ang limang Filipino players na bumubuo sa kauna-unahang Blacklist Dota 2 team.

Matatandaang inanunsyo kamakailan ng CEO ng Tier One Entertainment na si Irymarc “Tryke” Guiterrez na nabili ng kanilang kumpanya ang Division I slot ng RSG sa Dota Pro Circuit (DPC). Ito ay matapos niyang ibahagi ang kanyang pangarap na bumuo ng ‘PH redeem team‘.

Bilang hakbang sa katuparan ng kanyang layunin, kinuha ng Blacklist International ang lima sa pinakatanyag na Filipino players.

Blacklist Dota 2 roster

Blacklist Dota 2 roster ipinakilala na!
Credit: Blacklist International
  • Marc Polo “Raven” Fausto
  • Karl Matthew “Karl” Baldovino
  • Carlo “Kuku” Palad
  • Timothy “TIMS” Randrup
  • Nico “eyyou” Barcelon

Kilabot sa larangan ang mga miyembro ng Blacklist Dota 2 roster. Karamihan sa mga napagtagumpayan ng bansa sa international scene ay gawa ng mga miyembro ng naturang koponan.

Halimbawa nito ang kampeonatong naselyo ng TNC Pro Team, na binubuo noon nina Raven, Kuku, at Tims, sa World Esports Games 2016. Tinalo nila noon ang pambato

Hindi rin siyempre malilimutan ang makasaysayang tagumpay ng parehong koponan, na pinalalakas noon nina Raven, Kuku, at eyyou, kontra European powerhouse na OG sa The International 2016.

Credit: WePlay! Esports

Noong nakaraang taon naman, nagsanib-puwersa sina Karl at Kuku para mauwi sa ikatlong puwesto ang kampanya ng T1 sa WePlay AniMajor, isang Major Dota 2 tournament na ginanap sa Kyiv, Ukraine.

Samantala, nauna namang nakilala ang koponan ng Blacklist International sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang. Ang koponang pinangungunahan ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ay nakapag-uwi na ng kaliwa’t-kanang parangal para sa bansa kabilang na ang gintong medalya mula sa 31st Southeast Asian Games at kampeonato mula sa M3 World Championship.

Bago matapos ang taon, nakatakda muling irepresenta ng koponan ang bansa bilang SIBOL sa 14th World Esports Championship. Matapos nito, dedepensahan naman nila ang kanilang titulo sa M4 World Championship, na nakatakdang ganapin sa Enero ng susunod na taon.

Credit: Blacklist International

Samantala, nakatakda pang ianunsyo kung saan turneo unang babandera ang Blacklist Dota 2 team.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Gabbi at kpii kinumpleto ang Fnatic Dota 2 roster