Tinapos ng Tundra Esports ang kanilang kampanya sa Dota Pro Circuit nang may halos perpektong run sa The International 2022.
Sinelyo nila ang top seed sa kanilang grupo matapos magtala ng 14-4 record sa group stage. Pagdako naman sa main event ng taunang world championship, pinanalo ng koponan ang lahat ng serye nila sa upper bracket saka winalis ang Team Secret sa grand final, 3-0.
Matapos ang lahat, nag-uwi ang Tundra Esports ng US$8.5 million, o mahigit ₱481 milyon, mula sa US$18.9 milyong (₱1 bilyon) kabuuang prize pool.
Sa isang press conference ng isinagawa ng organisasyon matapos ang turneo, ibinahagi ng Dota 2 world champions kung paano nila gagastusin ang napanalunang premyo.
- OhMyVeno? Ito ang paliwanag ni Kuku sa Venomancer picks ng T1
- Blacklist Dota 2 roster ipinakilala na!
Nilista ng bawat miyembro ng Tundra Esports ang plano nila sa napanalunang pera mula sa TI11
Naunang sumagot si Martin “Saksa” Sazdov.
“I did buy an apartment already today,” kwento niya. “That’s actually something I’ve already bought, but I’m more of a minimalist guy so I’ll just stick to the things I need.”
Ibinahagi rin ng position four player na baka ilaan niya ang bahagi ng kanyang napanalunan para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ang carry ng Tundra Esports na si Oliver “skiter” Lepko ang pinaka-excited gastusin ang kanyang premyo mula sa TI11
“I’m looking to finish up my apartment,” aniya. “I bought it last year. The money will be well spent on renovations.”
Masaya rin si skiter na makakapag-retire na ang 2004 model niyang sasakyan, at mapapalitan na niya ito ng brand-new. Bukod dito, plano niya rin mag-invest at bumili ng mga bagong damit.
Kagaya naman kay Saksa ang balak ni Leon “Nine” Kirilin na bumili ng apartment para sa kanyang sarili. Bukod dito, inamin din ng naturang midlaner na wala pa siyang masyadong plano ukol dito.
“There’s nothing that I’m really craving,” giit ni Nine. “I wish I could just do nothing with it and leave it.”
Ang offlaner ng Tundra Esports na si Neta “33” Shapira at coach na si Kurtis “Aui_2000” Ling ay parehong nagbabalak sa investment para masiguro ang kanilang financial security.
Ang pinakamapagbigay sa mga miyembro ay ang kapitan ng koponan na si Wu “Sneyking” Jingjun. Imbes na gumastos para sa kanyang sarili, bibilhan niya raw ang kanyang lolo’t lola ng bagong bahay.
“They’re currently living in the basement with us, so it’s hard for them to go up and down the stairs when they’re up in age,” paliwanag ni Sneyking. “We’re looking for a place that has a ground floor bedroom so they don’t have to move around that much. That’s the biggest thing I want to buy.”
May buong offseason ang Tundra Esports para ma-enjoy ang napanalunan nila sa TI11. Magsisimula ang susunod na season ng DPC sa ikasiyam ng Enero ng susunod na taon.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Wala raw ‘strong leadership’ sa T1, ‘di tulad sa OG, ani Topson