Inilahad ng kaka-retire lang na Dota 2 pro player na si Zhang “Faith_bian” Ruida na mula sa gaming keyboard ay hahasain naman niya ang kanyang mga kamay sa musical keyboard.

Sa Monkey Business podcast ng OG kasama sina two-time The International champions Johan “N0tail” Sundstein and Sébastien “Ceb” Debs, sinabi ng dating offlaner ng PSG.LGD na nais niyang maging piyanista matapos ilaan ang nakalipas na walong taon sa pakikipagsapalaran sa Dota 2.

Pangarap ni Faith_bian na tugtugin ang Goldberg Variations, BWV 988 ni Johann Sebastian Bach, isang musical composition na itinuturing bilang isa sa pinakamalalim at pinakamahirap itugtog na arrangement.


Asam ni Faith_bian na tugtugin ang isang musical masterpiece matapos ang kanyang Dota 2 career

Faith_bian sa TI11
Credit: Valve

Nang tanungin ni OG CEO JMR Luna kung talaga bang magreretiro na siya sa Dota 2, tumugon si Faith_bian na wala na talaga siyang plano na bumalik sa competitive play.

“I want to do what I say, and I think I’ve played enough,” saad ng TI6 champion mula sa Wings Gaming.

Sa halip, nais niyang tuparin ang isang bagong hangarin na kakainin ang halos lahat ng oras niya pagkatapos ng kanyang retirement.

“I have a life-long dream to play the piano and perform a masterpiece,” paliwanag niya. “I wish I could play it after 20 or 30 years.”

“It is a very hard piece. All the best and respected pianists want to play it.”

Ayon pa kay Faith_bian, mahal niya na talaga ang musika noon pa, at sa nakaraang dalawang taon, ang kanyang passion para sa classical music ay umigting pa lalo.

“I love the Goldberg Variations. I listened to it many times played by different pianists,” wika niya.



Para sa iba pang mga artikulo patungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.

BASAHIN: xNova kinumpleto ang Dota 2 roster ng BOOM Esports