Si Michał “Nisha” Jankowski ang pinakabagong player ng Team Liquid, matapos ilaan ang higit sa kalahati ng kanyang professional career sa ilalim ng isang bandera.

Ginulat ng dating Team Secret player ang Dota 2 scene nang ianunsyo niya ang kanyang paglisan sa Team Secret matapos ang apat na taong pamamayagpag ng koponan hindi lang sa Europe, kung hindi maging sa buong mundo.

Si Nisha ang pinakahuling player na lumipat sa Team Liquid mula sa Team Secret. Kahit pa tinalo nila noon ang bago niyang team sa lower bracket finals ng The International 2022, sumunod pa rin ang 22-taong-gulang na pro sa yapak ng mga dati niyang kakampi na sina Lasse “MATUMBAMAN” Urpalainen and Ludwig “zai” Wåhlberg.



Nisha tampok sa Dota 2 roster ng Team Liquid para sa Dota Pro Circuit 2023

Kinumpleto ni Nisha ang bagong Dota 2 roster ng Team Liquid
Credit: Valve
  • Michael “miCKe” Vu
  • Michał “Nisha” Jankowski
  • Ludwig “zai” Wåhlberg
  • Samuel “Boxi” Svahn
  • Aydin “iNSaNiA” Sarkohi

Sa video announcement, inamin ng Polish star na ang pangunahing dahilan niya sa paglipat mula sa Team Secret ay ang kanyang kagustuhan na makasubok ng bagong koponan.

“I left Team Secret mostly because I wanted to try something new. Even though we changed three players during the season, it still wasn’t enough, I think,” ani Nisha.

Kung bakit niya pinili ang Team Liquid, itinurong dahilan nito ang pagiging bantog ng esports organization:

“I feel like I’ll be comfortable,” paliwanag ng midlaner. “It seemed like it’s probably the top org in the world.”

“I think in this team, I will thrive a little bit more.”



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kuku may mensahe sa mga nagkukumpara ng prize pool ng Dota 2 at MLBB