Nakaranas ng kakaibang problema si The International (TI) 11 champion Oliver “skiter” Lepko sa ikalawang linggo ng DPC Western Europe 2023 Tour 1 Division 1.
Sa mga huling sandali ng bakbakan sa pagitan ng kanyang koponan na Tundra Esports at Into The Breach, kinailangan ni skiter ng mabilis na bathroom break. Subalit dahil sa mga striktong patakaran ng Dota Pro Circuit, ‘di siya pinayagan ng PGL admins na umalis sa kanyang desk.
Para maiwasang maparusahan, sinabi ng Tundra carry player na napilitan siyang umihi sa bote.
‘Di pinayagan si Tundra Esports carry skiter ng tournament admins na mag-bathroom break
Pwedeng tumagal ang professional Dota 2 games. Mayroong drafting phase na tumatagal nang mahigit 10 minuto kung gagamitin ng parehong koponan ang lahat ng kanilang reserve time. Kung dikdikan naman ang laban, maaaring ma-stuck ang mga manlalaro sa kanilang mesa nang mahigit isang oras. At ito nga ang mismong nangyari sa Game 3 ng Tundra vs ITB match.
Sa 55-minute mark ng laro, nag-pause ang Tundra dahil biglaang kinailangan ni skiter na magbanyo. Ngunit sinabihan siya na ang pagpunta sa bathroom ay ilegal, ayon sa DPC 2023 Winter Tour rulebook ng PGL.
“Players are not allowed to access the restroom during a game until the end of it. Doing so will result in a LVL 2 penalty, taking away bonus time during the draft in the next game. An exception is a health-threatening condition requiring emergency medical treatment,” nakasaad sa page 5 ng DPC rulebook.
Para maiwasan ang pagkawala ng bonus time sa sunod na laban ng Tundra kontra Team Secret, napagdesisyunan ni skiter na saluhin ang kanyang koponan.
Ilang minuto matapos i-pause ang laro, nagbigay si skiter ng update sa sitwasyon.
“Alright guys, I peed in a bottle. Let’s go,” wika niya sa all-chat. “It was on camera the whole time.”
Kaya naman ‘di siya umalis sa view ng camera, nakasaad din rulebook na bawat manlalaro ay dapat makita sa pamamgitan ng kanilang webcam para sa integrity purposes.
Nanalo naman ang Tundra Esports sa iskor na 2-1 kontra Into The Breach at sinamahan ang Team Liquid sa No. 1 spot ng DPC WEU 2023 Tour 1 Division 1
Pagkatapos ng serye, ang nakaraos na carry player ay kumuha ng litrato ng bote at ibinahagi ito sa Twitter.
“PGL admins forced me to pee in bottle,” tweet niya.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.