Kumukulo na ang Team Liquid mula pa noong nagsimula ang Dota Pro Circuit (DPC) 2023 Winter Tour.
Naipanalo ng Western European powerhouse ang lahat ng anim na seryeng nilaro nila sa DPC WEU Tour 1 Division 1 kontra sa Into The Breach, Nigma Galaxy, Team Secret, Entity, Gaimin Gladiators, at The International 11 champion Tundra Esports.
Dahil sa kanilang nakakamanghang 12 game wins kontra sa nag-iisang talo, naselyo ng TI11 third-place finisher ang puwesto sa Lima Major, ang unang DPC Major tournament ng 2023 season.
Abante ang Team Liquid sa Lima Major hawak ang perpektong 6-0 record
Team Liquid Liquid ang unang Western European team na nakapag-qualify sa Lima Major pagkatapos talunin ng OG ang Entity, 2-1, sa ikatlong linggo ng DPC WEU Division 1 regional league.
Kung titignan, pare-parehong may tsansa ang Liquid, OG, Tundra Esports, Gaimin Gladiators at Entity na makapunta sa Lima dahil posibleng lahat sila ay magkaroon ng 5-2 series record sa pagtatapos ng Winter Tour.
Pero dahil nalaglag ang Entity sa 2-3 matapos ang pagkatalo sa OG, automatic nang pasok ang Liquid sa Major dala ang 5-0 record. Bagamat sigurado na ang pwesto sa Peru, mainit pa rin ang Team Liquid kontra Gaimin Gladiators sa Week 3.
Tila ‘di mahawakan ang Liquid sa Game 1 kung saan hindi napatay ng Gaimin ang Monkey King ni carry Michael “miCKe” Vu at Invoker ni star mid laner Michał “Nisha” Jankowski. Walang naisagot ang GG sa nangungunang WEU squad at napilitang mag-tap out matapos madehado nang 6-31 sa kill score.
Bumawi ang GG sa Game 2 gamit ang mid lane Huskar cheese pick para kay Quinn “Quinn” Callahan. Matagumpay niyang na-bully si Nisha sa Ember Spirit at nilista ang unang game loss ng Liquid sa Winter Tour.
Kumana pa si Quinn ng rampage upang tuldukan ang panalo sa loob ng halos 41 minuto.
Pagdating ng Game 3, pinatikim ng Team Liquid ang Gaimin Gladiators ng sarili nilang gamot sa pamamagitan din ng isang unconvential pick. Nag-draft sila ng safe lane Death Prophet at ginulungan ang GG. Mas naging one-sided ang panapos na laro kung saan tinapos ito ng Liquid nang may 39-9 kalamangan sa kill score.
Liquid ang kauna-unahang koponan mula sa Western Europe na pasok sa Lima Major. Mas nauna naman ang Team Aster matapos nilang itala ang ikalimang sunod na panalo sa DPC China Tour 1 Division 1.
Maagang nagsimula ang Winter Tour sa China dahil mayroon silang mahabang pahinga sa pagtatapos ng Week 3 dulot ng Chinese New Year.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.