Napatunayan nitong season ng Dota Pro Circuit na isa ang Entity sa mga pinakamalakas na koponan hindi lang sa buong Europe, kung hindi maging sa buong mundo.
Isa sa mga dahilan sa likod ng katotohanang ito ang mid carry nilang si Ivan “Pure” Moskalenko. Dating sa Virtus.pro, naipamalas na ng manlalaro ang kakayahan niyang bumuhat ng laro gamit ang mga ultra-hard carry hero gaya nina Terrorblade at Sniper, o mga ‘di pangkaraniwang picks sa role gaya ng Necrophos at Doom.
Sa ESL One Malaysia 2022, bumida ang Russian carry gamit ang Pudge. Nakapagtala ang koponan ng 80% win rate sa hero sa kahabaan ng kanilang kampanya, kung saan tampok din ang imba Pudge hook ni Pure laban sa Talon Esports.
Imba Pudge hook ni Pure sinelyo ang pagwawalis ng Entity sa Talon Esports
Sinelyo ng Entity ang Pudge para kay Pure sa ikalawang mapa ng kanilang best-of-two series kontra Talon Esports sa group stage ng ESL One Malaysia 2022.
Bagamat may nakahandang Bristleback at Timbersaw ang kanilang kalaban, tinapos ng 18-taong-gulang na manlalaro ang 29-minutong laban na may 20/0/9 KDA. Dalawa sa mga numerong nag-ambag sa nakamamanghang stats na ‘to ay nakuha niya bandang 27-minuto ng bakbakan nang hulihin nila ang Bristleback ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon.
Nang mahuli ng Invoker ni Daniel “Stormstormer” Schoetzau ang nag-overextend na kalaban, agad nag-teleport si Pure sa tier one tower ng bottom lane. Ilang palo na lang ay tagumpay na sila sa pagpitas sa kalaban, pero nakatuban ni Pure ang binabalak na Tether-Relocate save ng Io.
Imbes na ang Bristleback ang i-Meat Hook, tinutok ni Pure ang kanyang skill sa malapit na jungle. Tinamaan nito ang Io na iniintay na lang ang effect delay ng Relocate para masalba si 23savage.
Sinelyo ng imba Pudge hook ni Pure ang mapa pati na ang serye. Naging hakbang ang tagumpay na ito para maka-abante ang Entity sa playoffs ng turneo.
Gayunpaman, isang koponan mula Southeast Asia din ang tumuldok sa kanilang kampanya. Napilitan kasi silang magtapos sa 5th-6th place matapos mabigo kontra Fnatic sa ikalawang round ng lower bracket.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ‘Don’t play 1v1 against me’: Armel pinanis si SumaiL sa 1v1 mid tiebreaker sa ESL One Malaysia