Sa ika-apat na sunod na pagkakataon, muling nagpataw ng nerf sa Black King Bar, ang pangunahing spell immunity item sa Dota 2.
Sa Dota 2 patch 7.32, binalik ng Valve ang isang elemento na mula pa sa kaibuturan ng kasaysayan ng laro. Kailangan na kasi ngayon ng 50 mana para ma-activate ang Black King Bar. Huling nangyari ito sa laro ay noong Hunyo 2007, bago ang patch 6.45.
Sino ang makikinabang sa nerf sa Black King Bar sa Dota 2 patch 7.32?
Bagamat hindi kasing bigat ang 50 mana para sa karamihan ng mga hero, maraming bagay pa rin ang mababago nito.
Nabigyan kasi nito ng indirect buff ang mga hero na may kakayahang lumusaw ng mana gaya nina Anti-Mage at Phantom Lancer. Gayun din si Lion na kargado pa ng crowd control at burst damage ang skillset.
Posibleng dumalas na rin ang pagpili sa mga hero na hindi priority ang pagbuo ng Black King Bar gaya nina Ursa, Spectre, o Bristleback, pati na rin ang may mga sariling magic immunity tulad nina Lifestealer at Juggernaut.
Sino ang pinaka-apektado sa nerf sa Black King Bar sa Dota 2 patch 7.32?
Tagos ang kahalagahan ng Black King Bar sa kasalukuyang meta sa ibang mga item tilad na lang ng Refresher Orb. Madalas itong ipares dito lalo na sa mga hero gaya nina Mars, Doom, at Razor.
Pero dahil sa nerf sa Black King Bar, at Refresher Orb na nadagdagan din ng 50 mana ang cost ng activation, tiyak na mas mahihirapan ang mga hero na may mababang intelligence.
Kailangan na nga nina Mars at Doom ng Soul Ring para lang makapagbitaw ng combo, kaya’t tiyak na maapektuhan sila ng pagbabagong ito.
Matatagpuan ang kumpletong patch notes ng Dota 2 7.32 dito.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ‘Don’t play 1v1 against me’: Armel pinanis si SumaiL sa 1v1 mid tiebreaker sa ESL One Malaysia