Malapit nang maganap ang huling sagupaan ng mga koponan sa Southeast Asia para sa tsansang makasabak sa The International 11. May sumatotal na 13 koponan ang maglalaban-laban sa TI11 SEA Qualifier.
Kasali sa ikatlo at huling Tour ng Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 season ang mga team na naka-seed sa qualifying tournament ayon sa kanilang DPC points at standing sa huling Tour ng regional league.
Siguradong lahat ng mata ay tututok sa T1 matapos nilang kuhanin ang back-to-back TI champions na sina Anathan “ana” Pham at Topias “Topson” Taavitsainen. Haharapin nila ang ilan sa pinakamalakas na koponan sa rehiyon tulad ng Talon Esports, RSG at Polaris Esports.
Wala naman sa listahan ng TI11 SEA Qualifier ang Team SMG. Kinumpirma ng Malaysian organization sa ONE Esports na hindi sila makakasali dahil hindi nila nagawang irehistro ang kanilang bagong players bago ang cut-off time para sa roster registration. Dahil dito, ‘di makakadalo ang kilalang Singaporean offlaner na si Daryl “iceiceice” Koh sa harap ng kanyang home crowd.
Sasamahan ng mananalo sa TI11 SEA Qualifier ang BOOM Esports at Fnatic bilang mga kinatawan ng rehiyon sa Dota 2 world championship ngayong taon na gaganapin sa Singapore.
Mga koponang kasali sa TI11 SEA Qualifier
KOPONAN | DPC STANDING |
Talon Esports | Nakalikom ng 300 DPC points |
T1 | Nakalikom ng 272 DPC points |
RSG | Nakalikom ng 100 DPC points |
Polaris Esports | Nakalikom ng 57 DPC points |
Nigma Galaxy SEA | Nakalikom ng 28 DPC points |
Neon Esports | Nakalikom ng 5 DPC points |
Execration | 1st sa DPC SEA Division II |
Lilgun | 2nd sa DPC SEA Division II |
Army Geniuses | 3rd sa DPC SEA Division II |
Summit Gaming | 4th sa DPC SEA Division II |
Atlantis | 5th sa DPC SEA Division II |
XERXIA | 6th sa DPC SEA Division II |
TNC Predator | 7th sa DPC SEA Division II |
Inanunsyo ng PGL na iho-host nila ang TI11 SEA Qualifier na isasagawa mula ika-13 hanggang ika-17 ng Setyembre. Ang magwawagi ay sasali sa 12 koponan na nakasiguro ng kanilang direct invite sa TI11.
Ang mga magtatapos naman sa 2nd at 3rd place sa regional qualifier ay may huli pang pagkakataon na makapasok sa TI sa pamamagitan ng Last Chance Qualifier na gaganapin din sa Singapore.
Para sa mga balita at guides patungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin sa Filipino ng akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.