Nalalapit na ang inaabangang The International 11 Southeast Asia Qualifier (TI11 SEA Qualifier). Ang top 15 teams mula sa rehiyon ay magbababakbakan para sa mga natitirang slots sa Dota 2 world championship ngayong taon.

Ang magwawagi sa torneo ay didiretso sa group stage ng TI11 at sasamahan ang 12 teams naka-qualify gamit ang kanilang DPC points, Samantala, ang koponan naman na magtatapos sa 2nd at 3rd place ay magpapatuloy sa Last Chance Qualifier.

Siguradong lahat ng mata ay tututok sa T1 matapos nilang kuhanin ang back-to-back TI champions na sina Anathan “ana” Pham at Topias “Topson” Taavitsainen. Kasama rin sa torneo sina Nuengnara “23savage” Teeramahanon at Talon Esports, RSG, Polaris Esports, Execration at iba pa.

Sasamahan ng mananalo sa TI11 SEA Qualifier ang BOOM Esports at Fnatic bilang mga kinatawan ng rehiyon sa TI11 na gaganapin sa Singapore.


Ano ang TI11 SEA Qualifier?

TI11 SEA Qualifier
Credit: PGL

Kukuhanin sa TI11 SEA Qualifier ang isa pang siguradong kinatawan ng rehiyon sa Dota 2 world championship na inoorganisa ng Valve.

Pasok dito ang mga koponan na sumabak sa DPC SEA Tour 3 na hindi nakapag-qualify sa TI11 sa pamamagitan ng DPC points. Naka-seed ang mga koponan base sa nalikom nilang DPC points kasunod ang standing nila sa huling tour ng regional league.

Tanging Team SMG ang ‘di nakasali sa qualifier dahil pumalya ang organisasyon na i-register ang kanilang mga manlalaro, kabilang si Daryl “iceiceice” Koh Pei Xiang, sa tamang oras.


Schedule at mga resulta sa TI11 SEA Qualifier

Credit: T1

Tatakbo ang torneo sa loob ng apat na maaaksyong araw mula ika-13 hanggang ika-17 ng Setyembre.

Ang top-seeded teams na Talon Esports, Lilgun, Nigma Galaxy SEA, Polaris Esports, RSG, Neon Esports, Execration at T1 ay magsisimula sa upper bracket finals. Sa kabilang banda, ang Army Geniuses, XERXIA, TNC Predator, Atlantis at Summit Gaming ay nasa lower bracket agad.

September 13

Lower bracket round 1

KOPONANRESULTAKOPONAN
XERXIA Esports1 — 0TNC Predator

Upper bracket quarterfinal

KOPONANRESULTAKOPONAN
Talon Esports2 — 0Lilgun
Nigma Galaxy SEA0 — 2Polaris Esports
RSG2 — 0Neon Esports
Execration0 — 2T1

September 14

Lower bracket round 2

KOPONANRESULTAKOPONAN
Army Geniuses2 — 1Lilgun
XERXIA Esports2 — 1Nigma Galaxy SEA
Neon Esports2 — 1Atlantis
Execration2 — 0Summit Gaming

September 15

Upper bracket semifinals

KOPONANRESULTAKOPONAN
Talon Esports2 — 0Polaris Esports
RSG0 — 2T1

Lower bracket round 3

KOPONANRESULTAKOPONAN
Army Geniuses1 — 2XERXIA Esports
Neon Esports2 — 1Execration

September 16

Lower bracket quarterfinal

KOPONANRESULTAKOPONAN
RSG2 — 1XERXIA Esports
Polaris Esports2 — 0Neon Esports

Upper bracket final

KOPONANRESULTAKOPONAN
Talon Esports2 — 0T1

Lower bracket semifinal

KOPONANRESULTAKOPONAN
RSG0 — 2Polaris Esports

September 17

Lower bracket final

KOPONANRESULTAKOPONAN
T11 — 2Polaris Esports

Grand final

KOPONANRESULTAKOPONAN
Talon Esports2 — 2Polaris Esports

Mga koponang kasali sa TI11 SEA Qualifier

Credit: Talon Esports
KOPONANDPC STANDING
Talon EsportsNakalikom ng 300 DPC points
T1Nakalikom ng 272 DPC points
RSGNakalikom ng 100 DPC points
Polaris EsportsNakalikom ng 57 DPC points
Nigma Galaxy SEANakalikom ng 28 DPC points
Neon EsportsNakalikom ng 5 DPC points
Execration1st sa DPC SEA Division II
Lilgun2nd sa DPC SEA Division II
Army Geniuses3rd sa DPC SEA Division II
Summit Gaming4th sa DPC SEA Division II
Atlantis5th sa DPC SEA Division II
XERXIA Esports6th sa DPC SEA Division II
TNC Predator7th sa DPC SEA Division II

Format ng TI11 SEA Qualifier

Credit: RSG

Ang mga koponan ay maglalaban sa ilalim ng isang double-elimination bracket.

Lahat ng mga laban ay best-of-three, maliban sa do-or-die lower bracket round 1 match sa pagitan ng XERXIA Esports at TNC Predator, at grand final na isang best-of-five series.


Saan mapapanood ang TI11 SEA Qualifier

Credit: Polaris Esports

Mapapnood ang opisyal na English broadcast sa mga channel ng PGL habang ang opisyal na Filipino broadcast ay ihahatid ng LuponWXC.

CHANNELPLATFORM
PGLTwitch
PGLYouTube
PGLFacebook
LuponWXC (KuyaNic)Twitch
LuponWXC (KuyaNic)YouTube
LuponWXC (KuyaNic)Facebook

Para sa Dota 2 news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.