Pasilip sa paparating na The International ang naganap na TI11 Last Chance qualifier.

Nangibabaw ang dalawang koponan mula Western Europe na Team Secret at Team Liquid, nilang mapagtagumpayan ang upper bracket at lower bracket ng naturang tournament phase.

Kinumpleto nila ang 20 sa pinakamalalakas na koponan sa buong mundo. Pero bago pa man opisyal na magsimula ang group stage, balikan muna natin ang mga play na humubog sa TI11 Last Chance qualifier.

Panoorin ang top 5 plays mula sa TI11 Last Chance qualifier

Top 5 plays mula sa TI11 Last Chance qualifier
Credit: Wykhrm Reddy

5. Rampage ng Terrorblade ni lou mula sa Xtreme Gaming

‘Di napigilan ng Team Secret ang pagwawala ng Terrorblade ni Lou “lou” Zhen nang magharap sila sa upper bracket quarterfinal match ng TI11 Last Chance qualifier.

Sumama sa aksyon ang carry player nang may clash na pumutok sa midlane. Agad niyang ginamit ang Terror Wave, na tumama sa Viper ng kalaban. Pumalag pa ang koponan nina Clement “Puppey” Ivanov matapos magsunog ng buyback para sa laban.

Kaso nga lang, naging mitsa lang ito para mas maraming mapatay ang Terrorblade ni lou. Napilitan na lang mag-gg ang Team Secret matapos ang Rampage na ‘to.



4. Na-wrong hole ang Natus Vincere dahil kay old eLeVeN ng Xtreme Gaming

Nakasakay na sa momentum ang Natus Vincere kontra Xtreme Gaming sa tulong ng malulupit na plays ni Vladislav “laise” Lais. Ilang solid na Black Hole ng kanyang Enigma ang nakahuli sa kanilang kalaban para maiangat ang kanyang koponan sa mga team fight.

Pero sa isang decisive na team fight, hindi nakapag-Black Hole ang Enigma ni laise matapos habulin nang habulin ng Slardar ni Ren “old eLeVeN” Yangwei. Tagumpay na na-zone ng beteranong offlaner ang kalaban para hindi ito makapag-initiate sa team fight.



3. Niligtas ni Ramzes ang Virtus.pro sa malupit na Morphling play na ‘to

Papalapit na ang dulo para sa Virtus.pro sa harapan nilang ito kontra Team Liquid sa upper bracket semifinal ng TI11 Last Chance qualifier.

Patay ang midlane Invoker at offlane Timbersaw nila, nang maisipan ni Roman “RAMZES666” Kushnarev na gumawa ng high-risk, high-reward play sa base ng kanilang kalaban. Napwersa nito ang Team Liquid na depensahan ang kanilang base at patayin ang Morphling ni RAMZES. Pero sa tulong ng Waveform at Time Walk mula sa na-Morph na Faceless Void, nakatakas ito at napahaba ang laro.



2. Sniper ni Matumbaman, pinalagan ang Polaris Esports

Top 5 plays mula sa TI11 Last Chance qualifier
Credit: Valve

Nagpamalas ng kanilang synergy ang Team Liquid kontra Polaris Esports sa laban nila sa upper bracket quarterfinals ng TI11 Last Chance qualifier.

Nag-engage sa isang team fight ang Polaris para sana pitasin ang Sniper ni Lasse “Matumbaman” Urpalainen pero dahil sa dalawang Force Staff at Firesnap Cookie mula sa Snapfire ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi, nakabwelo ang naturang carry.

Tinayuan niya ang mga naghahabol na kalaban mula sa Pinoy team, pero sa huli ay nakaligtas pa rin siya.



1. Binalagbag ng Vici Gaming ang T1 sa ‘di matapos-tapos na team fight

Isa-isang nagbagsakan ang mga hero ng T1 kontra Vici Gaming sa laban nila noong lower bracket semifinal ng TI11 Last Chance qualifier.

Kumportable sa kanilang kalamangan ang T1, lalo na’t may Aegis, Cheese, at Refresher Shard pa sila. Gayunpaman, sinuong pa rin ng VG ang kanilang kalaban. Na-punish nila ang maling positioning ng T1 at isa-isang pinitas ang mga mga core sa isang mahabang team fight.



Samantala, nakatakda namang magsimula ang group stage ng The International 11 sa ika-15 ng Oktubre.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Eksklusibo: Ipinaliwanag ni ana kung bakit siya sumali sa T1 at kung paano niya nahugot si Topson