Nagmadali sina Lasse Aukusti “MATUMBAMAN” Urpalainen at Team Liquid na tapusin ang ikalawang araw ng The International 11 (TI11) Last Chance Qualifier playoffs kung saan itinala nila ang pinakamabilis na panalo sa torneo.

Ang tagumpay ng Western European team laban sa Chinese squad na Xtreme Gaming ay pinagbidahan ni MATUMBAMAN, na nagpamalas ng perpektong laro gamit ang Slark sa pamamagitan ng pagpukol ng 7/0/4 KDA.

Hindi mapigilan si Matu sa mga huling sandali ng laro. Inilagan niya ang ibinatong skills ng mga kalaban habang pinupuksa ang core heroes ng Xtreme na naubusan na ng langis sa kanilang tangke.


Pinaglaruan ng Slark ni Team Liquid MATUMBAMAN ang Xtreme Gaming

MATUMBAMAN ng Team Liquid
Credit: Team Liquid

Delikado nang matanggal ang Liquid sa TI11 LCQ nang makalasap sila ng masakit na 1-2 pagkatalo sa kamay ng Virtus.pro sa upper bracket semifinals. Nakataya ang kanilang tournament lives, ginawa ng WEU team ang lahat laban sa Xtreme Gaming.

Nagpakita ng nakakamanghang Game 1 performance ang TI7 champion carry na si MATUMBAMAN, na maaaring nilalaro na ang kanyang pinakahuling Dota 2 tournament matapos ianunsyo ang plano niyang pagreretiro.

Maganda ang laning phase para sa 27-year-old Finnish pro. Dinomina niya ang Death Prophet at Nyx Assassin sa top lane sa tulong ng position-5 Undying ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi. Para maabuso ang panalo nila sa early game, bumili ang Liquid ng dalawang Diffusal Blades sa kanilang core heroes na mid Pangolier at Slark.

Sulit na sulit ang dalawang mana-draining items sa huling clash. Habang nagtatago ang Xtreme Gaming sa likod ng kanilang Tier 2 tower, napagdesisyunan ni Matu na sugurin sila. Naghanap siya ng openings gamit ang Pounce at na-pressure nito si Ren “old eLeVeN” Yangwei sa Death Prophet na napuwersang gamitin ang Exorcism ultimate.

Agad namang nag-disengage si Matu at nag-reposition para sindihan ang isa na namang team fight. Sinubukan ng XG na i-burst down si Matu, pero natamaan ni Michael “miCKe” Vu (Pangolier) ng Swashbuckle ang DP at Nyx kaya naubusan sila ng mana at HP.



Dito na tumalon ulit si MATUMBAMAN sa backline at binura ang Ember Spirit ni Zhang “Paparazi” Chengjun. Sa kabilang banda, inisa-inisa naman ng kanyang mga kakampi ang mga natitirang kalaban kaya naman napilitan ang XG na tumawag ng GG sa 19-minute mark.

Mabilis ding dinispatya ng Western European team ang Chinese squad sa Game 2 kung saan nagtala sila ng 26-minute victory.

Para sa Dota 2 at TI11 updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.