Mahaba-haba ang listahan ng mga dapat gawin para maging isang magaling na support player sa Dota 2. Bagamat ganito rin ang kaso sa ibang role, misunderstood kadalasan ang mga requirement at expectation ng pagiging support.

Kung nais mong magpataas ng rank, mahalaga na matuto ka kung paano nga ba dapat laruin ang support role. Kaya’t narito ang ilang tips at tricks para gumaling sa nasabing role.

Kontrolin ang neutral camps

Dota 2 support role guide

Malaking bahagi ng pagiging magaling na support player ang pagkontrol ng neutral camps. Bukod kasi sa isa pa ‘tong source ng gold at experience para sa mga hero sa mapa, kaya rin nito maapektuhan ang creep equilibrium.

Bilang support, trabaho mo na siguraduhing mas malapit sa tower niyo magtatagpo ang magkabilang wave ng creeps. Maaari mong i-pull ang neutral camp na malapit sa dinadaanan ng creeps para magawa ito.

Dota 2 support role guide block neutral camp

Pwede mo rin pigilan ang kalaban mo na makontrol ang kanilang creep equilibrium sa pagtanim ng ward o pagtapak sa loob ng dilaw na spawn box bago mag-spawn ang neutral creeps kada minuto.

Bagamat bahagyang na-nerf paglapag ng Dota 2 patch 7.30c, malaki pa rin ang naitutulong ng pag-stack ng camp para sa mga iyong mga core. Sa early game, mas maganda mag-stack sa mga even minute marks para makatulong sa pag-contest ng Power Runes, at tuwing three minutes para maselyo ang Bounty Runes.

Ang kagandahan dito, maaari mo itong gawin kahit sinong hero ang gamit mo. Pero meron nga lang ilang hero na mas mabisa sa pag-stack ng camps, halimbawa na lang sina Phoenix, Shadow Demon, at Venomancer.

Bumili ng regen items para sa mga core

Dota 2 omniknight
Credit: Valve

Mas mainam para sa mga core na manatili sa lane hanggat kaya nila upang makapag-farm. Kung sakali namang malakas mang-harass ang katapat sa lane, dito makatutulong ang mga support.

Ugaliing magbaon ng mga Healing Salve o Tango sa lane lalo na sa early game. Nakaka-save ito ng time kesa umuwi sa base para mag-regen o magpadala sa courier, na may tsansa rin mapitas.

Para sa mga mid players naman, makatutulong ang pag-teleport galing base papunta sa lane. Nagli-linger kasi ang Fountain Aura nang tatlong segundo kaya’t maaari mong ma-refill ang bote ng iyong kampi sa loob ng oras na ‘to.

Siguraduhin mo lang na ibabalik mo ito!

I-manage ang mga consumables, lalo na ang Smoke of Deceit

Dota 2 support guide manage consumable
Credit: ONE Esports

Kada-420 segundo nagre-replenish ang stock ng Smoke of Deceit, kada 135 segundo naman ang Observer Wards, at kada 70 segundo naman ang Sentry Wards.

Hanggang tatlong SoD ang maaaring mabili ng isang koponan, pati na rin apat na Observer Wards, at 10 Sentry Wards.

Bakit mahalaga itong tandaan?

‘Pag may tatlong SoD sa shop, ibig sabihin ay hindi na ‘to madadagdagan. Ganun din sa obs at sentry, kaya’t mas mainam na bilhin at gamitin ito kung merong stock.

Bukod sa pang-gank, maaari rin gamitin ang SoD para pang-dodge ng ilang spells at projectiles gaya ng Assassinate ni Sniper at Heat-Seeking Missile ni Tinker.


Ilan lang ito sa mga tips at tricks na maaaring sundin para gumaling sa paglalaro ng support. Ang mga advice na ito ay hindi nakalimita sa iilang hero at hindi rin kailangan ng masyadong mataas na mechanical skills para magawa.

Kaya sa susunod na kailangan mo maglaro ng support, gawin lang ang mga payo na ito.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article na matatagpuan dito.