Hindi pa rin sinusukuan ni Tier One Entertainment co-founder at CEO Tryke Gutierrez ang kanyang pangarap na bumuo ng isang Blacklist International Dota 2 roster na balang araw ay makikipaglaban para sa Aegis of Champions.

Unang inihayag ni Tryke noong nakaraang taon ang kanyang intensyon na magkaroon ng Dota 2 at Valorant squads ang Blacklist International, na tanyag sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang. Isang taon ang nakalipas, nagtatrabaho na ang kanyang organisasyon para magkatotoo ang kanyang pangarap.

“My dream for Blacklist DOTA 2 is to build a PH (Philippine) redeem team,” saad niya sa isang Facebook post. “So many moving parts right now, but I really hope it happens.”

Sa isa pang mas maagang Facebook post, ibinunyag ni Tryke na may kinausap na siyang posibleng sponsor na pwede silang tulungan na mapondohan ang Blacklist International Dota 2 squad.

I just talked to a possible sponsor in SG that might help us fund a Blacklist DOTA 2 team (not 100% sure yet). I mentioned time and time again that this is something very difficult to do due to the high player salaries in the space but this is a personal dream of mine so I will always try and explore possible opportunities. If ever this happens, who do you want to see in the team?” wika niya.


Muling kinumpirma ni Tryke ang kanyang interes na bumuo ng Blacklist International Dota 2 team

Tryke Gutierrez ng Tier One Entertainment at Blacklist International
Credit: Tryke Gutierrez

Kilalang-kilala ang Blacklist International, ang multi-gaming esports organization ng Tier One, sa kanilang Mobile Legends division.

Tatlong kampeonato na sa MPL Philippines ang naiuwi ng koponan sa nagdaang dalawang taon. Kinoronahan din silang M3 world champions noong nakaraang taon matapos walisin ang ONIC PH sa iskor na 4-0 sa grand finals at pinatunayan na sila ang isa sa pinakamalakas na MLBB squads sa kasaysayan.

Nais ni Tryke na magkaroon ng Dota 2 team na kayang makamit ang kaparehong tagumpay. Partikular na gusto niyang bumuo ng isang all-Pinoy roster na posibleng matupad lalo pa’t ilan sa mga kilalang Pinoy pros ang free agents ngayon matapos ang The International 11.

Credit: Valve, MDL

Sa ngayon, naghahanap pa rin ng koponan si dating T1 captain-offlaner Carlo “Kuku” Palad at midlaner Karl “Karl” Baldovino. Dati nang naglaro si Karl para sa development squad Tier One na Team Amplfy noong 2019. Maaaring magkasama ulit sila ni Tryke kung matuloy ang pagbuo ng Blacklist International Dota 2 roster.

Nandyan din si dating TNC Predator carry Kim “Gabbi” Santos at mga Pinoy standouts ng BOOM Esports na sina Timothy “TIMS” Randrup, Erin “Yopaj” Ferrer at Andrei “skem” Ong na inansunyong naghahanap sila ng mga bagong oportunidad ngayon Dota Pro Circuit (DPC) offseason.

Credit: Valve

Bukod pa sa mga kilala nang Filipino players mula sa mga tier 1 teams, mayroon ding mahabang listahan ng tier 2 talents na gutom na gumawa ng pangalan sa eksena.

May mahigit isang buwan pa sina Tryke at Tier One na bumuo ng Blacklist International Dota 2 team bago magsimula ang Winter Tour open qualifiers sa ika-11 ng Disyembre kung itutulak nila ang kanilang plano na sumabak sa DPC sa susunod na taon.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.