Ang proud vegetarian at professional Dota 2 player na si Melchior “Seleri” Hillenkamp ay nag-anunsyong ido-donate niya angl ahat ng mapapanalunan niya sa The International 2022 sa mapipili niyang charity.
Balak ibigay ng 23-taong-gulang na pilantropo ang kanyang pinaghirapang premyo sa Animal Sanctuary, na sa ngayon ay inaasikaso na niya.
“It will be a long-term project that I will share more about it in the future,” aniya sa isang tweet.
In-offer ni Seleri ang kanyang TI11 winning sa charity matapos ma-eliminate ng Gaimin Gladiators
Natuldukan ang kampanya ng Gaimin Gladiators matapos nilang mabigo mula sa kamay ng kapwa Western European team na OG, sa iskor na 2-1 sa ikalawang round ng lower bracket.
Gayunpaman, makapag-uuwi pa rin ang koponan ng hindi bababa sa US$347,589, o mahigit ₱20 milyon, dahil sa pagkakatapos nila sa ika-9th-12th place. Maaari pang tumaas ang halaga na ‘to pagkatapos ng turneo.
Dagdag ni Seleri na sinusuportahan niya rin ang mga vegan sa turneo na sina Tommy “Taiga” Lee ng OG at Samuel “Boxi” Svahn ng Team Liquid.
“I feel a little bit better losing to a fellow vegan, at least,” kwento niya sa isang post-game interview kasama si Kaci “Kaci” Aitchison. “I hope Taiga will go on. Unfortunately, if Liquid wins he goes up against another vegan, Boxi, as well. So, another one will have to go.”
Matapos ma-eliminate sa TI11, pinasalamatan niya ang kanyang mga koponan para sa matagumpay na DPC 2022 season. Hiniling niya rin ang kanilang pagbabalik sa parehong koponan sa susunod na taon.
“I spent more time with them this year than with my ‘real’ family,” tweet ni Seleri. “I consider every one of them one of my best friends, and I hope this is not the end for us!”
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: MATUMBAMAN sa kanyang retirement pagkatapos ng TI11: ‘No matter what happens, I’m going to be happy’