Hawak ang mahigit US$7.1 milyon o halos PHP400 milyon na kabuuang nakalap na premyo bilang isang professional Dota 2 player, si Johan “N0tail” Sundstein ang highest-earning esports player sa buong mundo sa ngayon, ayon ‘yan sa Esports Earnings.
Matapos ibuhos ang kanyang dedikasyon sa kanyang napiling laro sa nakalipas na dekada, narating ng Danish star ang rurok ng competitive Dota nang dalawang beses.
Nakuha nila N0tail at kanyang koponan na OG ang kampeonato sa pinakaprestihiyosong torneo ng Dota 2, ang The International, sa dalawang magkasunod na kampanya noong 2018 at 2019.
Ibinili ni N0tail ang kanyang TI prize money ng mahigit PHP100 milyon na gaming mansion
Sa ngayon, walang kaduda-dudang nakakuha na ng tiket ang Denmark-born gaming icon papunta sa magandang buhay. At pagmamay-ari ang isang malawak na 17-bedroom luxury villa sa Lisbon, Portugal, parang wala nang igaganda pa ang buhay niya.
“Growing up, I really wanted to revolve my life around games, and now I have this thing dedicated to games,” saad ni N0tail sa isang interbyu sa BBC. “It’s a wonderful thing.”
Lumipat siya nang mahigit 2,200 kilometro patimog-kanluran mula sa kanyang bansa para ma-enjoy ang mas mainit na klima ng Portugal mahaigit isang taon na. Ngunit pinabagal ng COVID-19 pandemic ang kanyang paglipat.
Pero hindi siya nito napigilan na ilagay sa kanyang tahanan ang mga mahahalagang bagay. Bagamat ‘di pa kumpleto ang renovations at furnishings, tumatakbo na ang gaming hardware at high-speed internet setup upang maipagpatuloy nila ang kanilang pagsali sa mga kompetisyon.
Kasama ni N0tail sa kanyang more-than-adequate gaming complex ang batang squad ng OG Dota 2 matapos ang kanyang break mula sa competitive Dota matapos ang TI10. Ginagamit ang kanyang bahay bilang base of operations at boot camp ng OG sa kasagsagan ng Dota Pro Circuit (DPC).
Ipinakita rin ng BBC feature ang pinagmulan ng hilig ni N0tail sa gaming. Ibinahagi ng 2-time TI champion na ang kanyang interes sa video games ay nagsimula pa noong potty training days, gamit ang Nintendo Game Boy.
“I was playing a lot. I was getting home from school and basically playing till night — up to 12 hours, sometimes more,” kwento ni N0tail. “During weekends, I’d be playing 20 hours if I could.”
Bagamat may maiksing panahon sa kanyang teenage years kung saan nag-alala siya at kanyang pamilya sa impact ng gaming habit niya sa kanyang hinaharap, napagdesisyunan niya pa ring mag-pro noong siya ay 16 anyos at hindi na lumingon pa. Sa katunayan, sa edad pa lang na 15, sinimulan na niya ang kanyang karera sa Heroes of Newerth roster ng Fnatic bago lumipat sa Dota 2 ilang buwan ang makalipas.
Hindi lingin sa kaalaman niya ang mental strain na kailangang harapin bilang isang esports pro. Bilang isa sa pinakamagaling na professional Dota 2 player at kapitan ng isa sa pinakamalakas na koponan sa naturang laro, lagi niyang ramdam ang target sa kanyang likod.
Mabuti na lamang ay parte siya ng isa sa top-performing esports organization. Para kay N0tail, ilan sa perks nito ay ang pagkakaroon ng malakas na support group na kinabibilangan ng kanyang mga kakampi, social media managers, sports psychologists at personal na full-time chef.
Nasa punto siya ng kanyang karera ngayon kung saan tinatamasa niya ang bunga ng kanyang paghihirap sa mga nagdaang taon, at nakatuon siya sa pag-develop ng OG players at pagtulong sa patuloy na paglago ng Dota 2 bilang isang esport.
Kahit nasa inactive roster na siya, kumpyansa si N0tail na makakatulong ang kanyang karanasan para mapalakas ang bagitong koponan ng organisasyon.
“I may not be the best player — in mechanical skill — but damn, I know how to make this work.”
Panoorin ang buong 7-minute BBC feature sa ibaba:
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang mga balita at game guides.
Base ito sa akda na matatagpuan sa ONE Esports.
BASAHIN: OhMyVeno? Ito ang paliwanag ni Kuku sa Venomancer picks ng T1