Hindi maglalaro si Daryl “iceiceice” Koh sa harap ng kanyang home crowd sa The International 11.
Ang Team SMG, na nag-recruit kay iceiceice at Wilson “poloson” Koh bilang kanilang mga bagong miyembro para sa qualifiers, ay hindi makakasali, kinumpirma ng organisasyon sa ONE Esports.
Ilang mga SEA teams, kabilang ang SMG, ang hindi nagawang i-register ang kanilang mga bagong players bago ang cut-off time para sa roster registration. Maraming ibang organizations ang piniling lumaban sa qualifiers kasama ang kanilang dating registered rosters – kabilang na ang Nigma Galaxy SEA, Polaris Esports, at Army Geniuses.
Team SMG hindi na kasali sa TI11 SEA qualifiers
Ngunit hindi ito ang naging kaso para sa Team SMG, na nagkaroon ng napabalitang hindi magandang paghiwalay sa isa sa kanilang mga dating players. Nangangahulugan na si iceiceice, na lumahok sa siyam sa sampung Internationals, ay hindi makakasali sa taong ito.
Tampok sa TI11 SEA qualifiers ang 13 iba’t ibang teams mula sa Dota Pro Circuit Divisions I at II na maglalaban-laban para sa tatlong pwesto.
Ang mananalo sa qualifier ay direktang makakasali sa TI11 group stages, habang ang ikalawa at ikatlong teams ay lalaban sa isang last-chance wildcard tampok ang 12 teams mula sa anim na rehiyon.
Tanging dalawang teams lamang ang makakalabas sa wildcard, na bubuo sa 20 koponan na makikipagtagisan ng husay sa main event sa Singapore.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.