Dadalhin ng The International 11 ang pinakamalaking entablado ng Dota 2 sa Southeast Asia sa kauna-unahang pagkakataon.

Simula ika-8 ng Oktubre, masasaksihan sa rurok ng Dota 2 competitive calendar ang pagtatagpo ng 20 sa pinakamalalakas na koponan sa buong mundo upang magsalpukan para sa Aegis of Champions. Magagawa kaya ng Team Spirit na maging ikalawang back-to-back TI champs sa kasaysayan? O magkakaroon ng mga bagong manlalarong uupo sa trono?

Makisali sa aksyon sa pamamagitan ng paglalaro ng ONE Esports Fantasy TI11 Challenge. Sa tingin mo ba ay alam mo kung anu-anong koponan ang aangat sa kompetisyon? Sabihin niyo na ‘yan dito.

Ang winner ng ONE Esports Fantasy TI11 Challenge ay pwedeng makatanggap ng hanggang 12-month Dota Plus subscription at isang Level 1 Battle Pass bundle.


Paano laruin ang ONE Esports Fantasy TI11 Challenge

Credit: Valve

Para makapagsimula, sagutan lang ang mga katanungan sa ibaba:

  1. Ano ang dalawang koponan mula sa Last Chance Qualifier ang makakapasok sa TI11? (300 points kada tamang sagot)
  2. Ano ang walong koponan na makakausad sa upper bracket? (100 points kada tamang sagot)
  3. Ano ang dalawang koponan na makakaabante sa grand finals? (500 points kada tamang sagot)
  4. Sino ang tatanghaling kampeon ng TI11?  (1,000 points)
  5. Wild card: Sinong hero ang magiging most picked sa torneo? (500 points)

Bawat tamang prediksyon ay may kaakibat na puntos. Ang goal sa challenge na ito ay makalikom nang maraming puntos hangga’t maaari.


Tiebreaker rules sa ONE Esports Fantasy TI11 Challenge

Credit: Valve

Kung maraming manlalaro ang makakuha ng parehong puntos, isang tiebreaker ang gaganapin. Ang manlalaro na may pinakamalapit na sagot sa mga sumusunod na tanong ang mananalo.

  1. Ilang Roshan kills ang magaganap sa grand finals?
  2. Ilan ang total kills ng mananalong koponan sa huling laro ng grand finals?

Ano ang premyong makukuha mula sa ONE Esports Fantasy TI11 Challenge

Credit: Valve

Lahat ng mananalo ay makakatanggap ng Dota Plus subscriptions, ngunit magkakaiba ng itatagal. Narito ang prize breakdown:

  • 1x Grand winner: 12-month subscription + Level 1 Battle Pass
  • 5x Tier 1 winners: 6-month subscription + Level 1 Battle Pass
  • 10x Tier 2 winners: 1-month subscription + Level 1 Battle Pass

Handa ka na ba? I-click ang link para makasali sa ONE Esports Fantasy TI11 Challenge mula ika-1 hanggang ika-7 ng Oktubre.


BASAHIN: T1 Topson at ana naglaro ng mahigit 350 ranked games bilang paghahanda para sa TI11 LCQ