Talon Esports ang koponang nanaig sa makapanindig-balahibong dikdikan kontra sa The International 10 champions Team Spirit, 2-1, para sa top six placement sa Lima Major.
Hindi naging madali para sa mga kinatawan ng SEA na kuhanin ang serye. Sa katunayan, kinailangan pa nila ng isang comeback win sa game three para makapagpatuloy sa Valve event, tampok ang Faceless Void ni Nuengnara “23savage” Teeramahanon.
Ito ang unang pagkakataon na makakapuwesto sa top half ng isang Dota Pro Circuit LAN event ang organisasyon, matapos magapi sa Arlington Major at sa TI11.
Risky item decision ni 23savage nagpanalo sa Talon Esports sa epikong labanan sa Roshan pit
Peligroso ang ginawang contest ni 23savage sa Roshan sa halip na mag-ipon ng pang-buyback. Pinalitan ng carry player ang kaniyang Refersher Orb (nasa inventory na ang recipe nito) para bumili ng Aeon Disk.
Naghalinhinan sa posisyon ang dalawang team sa harap ng pit, at naiwang nag-iisa si 23savage sa loob nito. Mabilis na natunton ni Magomed “Collapse”Kahlilov ang pagkakataon para simulan ang team fight gamit ang Reverse Polarity, ngunit ito lamang ang nag-udyok para ma-activate ang Aeon Disk.
Lumabas na henyo ang item pick up sapagkat nagulantang nito ang team Spirit na nagtulak para mag-refresher si Collapse at gamitin muli ang Reverse Polarity para makuha si 23savage.
Pinuwersa ng carry ng Spirit na mag-commit ang kalabang Terrorblade at Enchantress, at sapat ang isang Chronosphere para patumbahin ang dalawang heroes kasama ang Roshan.
Kinuha ni 23savage ang Aegis at nilapag ang Black King Bar sa kaniyang active inventory sa halip na sa backpack para bigyang-puwang ang Refresher Shard. Binigyan nito ng pagkakataon na maiwasan niya ang backpack cooldown, at mabilis na magamit ang item para ma-activate muli ang Chronosphere kay Collapse para sa kill sa Magnus na walang buyback.
Ito ang naghudyat para magmartsa ang Talon sa midlane at basagin ang depensa ng Spirit. Bagamat mabilis na nagbuy back si Illya “Yatoro” Mulyarchuk sa Terrorblade, hindi sapat ang ikalawa niyang buhay para pigilan ang SEA squad.
Manatiling updated sa mga kaganapan sa Dota 2 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Naniniwala si Kuku na ito ang pinakamalakas na Dota 2 team sa SEA