Inanunsyo ng Philippine esports at entertainment brand na Tier One Entertainment noong March 3 na kumuha sila ng tatlong “cosplay royalties” — Hakken, Shunsuke, at Knite. Sa linggong ‘yun, pinadala ng organisasyon ang tatlong Tier One cosplayers sa Pilipinas para makilala ang co-founder na sina Alodia Gosiengfiao, o kilala sa palayaw na “Boss A,” at ang CEO na si Tryke Gutierrez para gumawa ng mga content bilang isang team.
Bilang parte ng kanilang pagbisita, nag-host ng isang livestream ang mga Tier One cosplayers sa Facebook page ng org, kung saan sinagot nila ang mga tanong ng mga fans at nag-open up sa kanilang mga karanasan.
Pinagusapan ng mga Tier One cosplayers ang mga pagsubok ng cosplay at paano nila ito nalalagpasan
Self-image
Ang cosplay ay isang intense hobby na ginawang career ng mga Tier One cosplayers pros na ito. Bilang mga beterano sa industriya, sila ay nag-co-cosplay na sa loob ng isang dekada, at sa unang pagkakataon ay makikipag-team up sa ilalim ng banner ng Tier One.
Isa sa mga rason kung bakit sumali si Shunsuke sa organisasyon ay dahil magkakaroon siya ng access sa mas maraming resources, sinabi niya sa livestream. Para kay Hakken naman, nakikita niya ito bilang isang oportunidad para umangat ang lebel niya.
Sa kanilang mahigit 4.3 million combined followers sa Instagram, kilala na sila bilang royalty sa industriya. Ngunit gayunpaman, naniniwala pa din sila na walang hangarin pagdating sa cosplay.
“Do not ever think that you cannot cosplay just because of your ethnicity, your height, your size, your skin tone,” sabi ni Knite. “At the end of the day, you should be doing it for yourself.”
“Cosplay is for everyone,” giit ni Hakken.
Noong tinanong kung ano ang pinakamalaking pagsubok na naranasan nila sa kanilang mga career, nakakagulat ang naging sagot ni Shunsuke.
“For me, it’s a bit of a sad answer, but I would say it’s my self image and overall self confidence,” sabi niya “The thing is, with cosplay, you constantly see yourself on photos and videos… you’re trying to look like a drawing or a 3D character which usually [have] very unrealistic beauty standards.”
Sumangayon naman si Hakken na ang mga cosplayers ay nagiging napaka-kritikal sa kanilang sarili, at napakaraming bagay na nangyayari behind the scenes na hindi nakikita ng mga fans.
Growth at mass appeal
Sa mahigit 15,000 fans na nanood ng Facebook livestream sa Tier One channel, klaro na ang mga Tier One cosplayers na ito ay mas lalo lang lalaki at sisikat.
Curious kung paano nila pinalaki ang kanilang mga personal platforms, tinanong ng isang fan kung sila ba ay na-o-overwhelm minsan.
“There were some posts that went viral and it did scare me a bit,” inamin ni Knite. “But I would say the most overwhelmed I felt was with Tier One, actually. I’m not used to such positive comments [in such a short period of time].”
Maliban sa kaniyang malaking online presence, madalas rin dumadayo sa mga offline events ang mga Tier One cosplayers, at ang aspeto na ito ay isang bagay na tinuturing na pagsubok ni Shunsuke.
“Guesting cons, going onstage, giving prizes to contestants – that was really, really overwhelming for me,” ibinahagi niya.
“Seeing the numbers grow means that the expectation on me is growing too. Sometimes it makes me think that every time I put out something new, it has to be better. It has to be perfect. I don’t want to disappoint people,” Hakken added.
Paano nila hinaharap ang burnout
Curious din ang mga fans sa livestream sa lahat ng mga aspeto ng cosplay. Noong tinanong kung paano sila nakakabangon sa mga masasamang pangyayari, nagbigay ng down-to-earth answers ang trio.
“I do cosplay when I feel like doing a cosplay. I don’t think there’s such a thing as giving up for me… It’s a thing that is rooted inside of me,” sagot ni Hakken. “It’s not going away so… Take a break and come back.”
Sumangayon si Shunsuke dito, dahil nakaramdam na rin siya ng burn out sa mga taon na nag-cosplay siya, at ang pinaka-tricky na aspeto ng cosplay ay “mabilis kang ma-overwork.”
Ibinahagi naman ni Knite na ang pinakamatagal na hiatus na ginawa nila ay anim na buwan lamang. “You shouldn’t feel pressured to have to deliver content every month. There was a time in my career that I did that, I felt like I need to really produce so much content otherwise I won’t grow as a person,” sabi nila “I would not recommend it.”
“I feel like if you don’t have the motivation, you’re not enjoying what you’re doing, it reflects in the result,” sabi ni Hakken. “People can see that you are not happy with what you’re doing.”
Sundan sina Hakken, Knite, at Shunsuke sa Instagram, at ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang cosplay, esports, at anime news.