Naglabas na naman ang Netflix ng isang napakagandang video game series adaptation sa The Cuphead Show. 

Kasunod ng mga fantasy melodramas ng mga game-based animation tulad ng Dota Dragon’s Blood at Arcane, kwineto naman ng The Cuphead Show ang nakakatuwang maling pakikipagsapalaran ni Cuphead at ang kaniyang kapatid na si Mugman. 

Habang nakita sa orihinal na 2017 video game ang pag-tambling ng duo sa Steamboat Willie-inspired na mga lokasyon at pagtalo nila sa mga masasamang kalaban, binigyan buhay ng serye sina Cuphead at Mugsy sa pamamagitan ng mga nakakatuwang hirit at usapan tungkol sa ice cream at brotherly love. 

Matapos panoorin ang cartoon noong weekend, masasabi ko na si Mugman ang low-key star ng pelikuha, at ito ang rason ko kung bakit. 

Isang love letter para kay Mugman  

Isang responsableng kapatid si Mugman 

The Cuphead Show
Credit: Netflix

‘Wag kang magpaloko sa titulo ng show na ito. Maaring pinangungunahan ni Cuphead ang mga thrilling moments ng dynamic duo na ‘to, ngunit si Mugman ang pinaka-importante dito sa mga kalokohan ng kaniyang kuya. 

Sinadya ng mga creators ng show ang paggawa kay Mugsy bilang mas higit pa sa pagiging isang little bro sa unang episode pa lang, ang “Carn-Evil.” Habang ang tinatawag na hero ng show ay nambabalibag ng mga bola sa skeeball machine, napansin ni Mugman na nasa harap pala ng isang masamang negosyo ng Devil ang carnival. 

Ang katotohanan ay mas naging halata sa kanilang pagiging magkapatid. Sa chase scene ng Devil, umamin si Cuphead at sinabing kasalanan niya ang lahat dahil napunta sila sa sitwasyon na ito, kung saan sumangayon si Mugsy. 

Sa simula pa lang, napatunay na ni Mugsy ang kaniyang papel bilang tao na sumasalo sa kaniyang kapatid. Diyan pa lang ay matatawag mo na siyang bayani. 

Isa siyang (mug) na may mga sira 

The Cuphead Show
Credit: Netflix

Sa kabila ng kaniyang talino at paniniwala, maraming flaws ang character ni Mugman dahil sa kaniyang confidence issues at stage fright. Ito na ba ang habangbuhay na sumpa na dinadala ng character na ‘to? Hindi naman. 

Sa kabaliktaran ng hero façade ni Cuphead, dinaanan ni Mugsy ang kaniyang mga pinagdadaanan at lumabas na naging mas dynamic na character na napabuti. Takot sa mga ahon? Papataasin niya ang kaniyang confidence gamit ang Dirk Dangerous goggles. Takot sa multo? Matutulog siya sa isang nakakatakot na sementeryo. 

Kahit ano man ang maging sitwasyon, nananaig si Mugman bilang isang character dahil umaangkop siya sa kaniyang mga problema para maging isang maasahang partner ni Cuphead.  

Kinakausap ng bunsong ito ang “player two” sa akin 

Kung hindi mo pa alam, si Mugman ang default “player two” character sa video game, tulad ni Luigi sa Super Mario Bros. Franchise. Bilang bunso sa isang pamilyang may limang magkakapatid na lalaki, nakaka-relate ako kay Mugsy at sa kaniyang side character na pamumuhay. 

Sa pinakaunang eksena kung saan nagpamigay ng pancakes si Elder Kettle, lumabas na isang lampa at miserableng bersyon ni Cuphead ang character dahil hindi siya nakakuha ng bagong-lutong pancakes. Sa tingin ko, ito ang punto ng kaniyang larawan. 

Bagamat siya ay nakikita bilang isang deuteroagonist lamang, pinakita ng show ang malinaw na intensyon ni Mugman na maging right-hand man. Cheesy man pakinggan, ngunit mahal talaga niya ang kaniyang kuya, at ganoon rin ang ang nararamdaman. 

Lumaki nang may apat na kapatid, ako ang laging naiiba, lalo na sa gaming. Naiwan ako mag-isa sa Tigger’s Honey Hunt habang nagseselos akong nanonood na naglalaro sila ng NBA Live 2003 at Actua Tennis. 

Ngayon sa era ng mga MOBAs at team-based games, automatic kong kinukuha ang parte ng tank o healer dahil gusto ko suportahan ang mga kapatid ko katulad ng pagsuporta ni Mugsy kay Cuphead. 

Sa gitna ng mga pagsubok at panalo, pinapaalala sa atin ni Mugman na kailangan mong ipagmalaki ang pagiging pangalawa kung mahal mo ang main player. 

Sa sinabi kong iyon, hindi kong gustong ipatalsik sa trono si Cuphead bilang face ng franchise sa Cuphead Show review na ito, ngunit para bigyan pansin ang isang magandang naisulat at relatable na character sa mga video games at animation. 

Love you forever, Mugman. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, gabay, at highlights tungkol sa anime.

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, The Cuphead Show review: Why Mugman is the true hero of the series.