Para sa Mobile Legends: Bang Bang streamer na si Sainty, family comes first.  

Bagama’t patuloy ang kaniyang pagsikat sa industriya ng esports, nananatiling down-to-earth si Sainty, real name Niejie Santos.  

Walong taon siya nagipon para makamit ang kaniyang pangarap na mag-stream ng mga laro at ngayon ay may mahigit 1.9 million followers na siya sa Facebook. 

Paliwanag niya, ang mga YouTubers tulad ni Pewdiepie ang nagudyok sa kaniya para mag-stream online. 

“First year highschool hanggang fourth year college nagipon ako, nakaipon ako ng mga 40k pambili ng PC. Kasi yun na talaga yung mindset ko na gusto ko na talaga mag-stream o gayahin yung sa mga YouTube,” sinabi ng ML streamer sa ONE Esports Philippines. 

Giit niya, ang nagsisilbing motibo niya para magpatuloy sa pag-stream ay ang kaniyang mga magulang dahil gusto niya makatulong sa kanila. 

“’Yun lang naman yung motivation ko sa pag-stream, makatulong ako sa parents ko. Pinaka-importante sa buhay natin yung parents natin, yung family. So yun talaga yung motivation ko until now maka-help ako sa parents ko at syempre mapasaya ko yung Sainty Fam natin,” sabi niya. 

Sainty Fam da best

Sainty with fans
Credit: Niejie Santos

Dagdag pa niya, isa pa sa mga nagsisilbing inspirasyon niya para mag-stream ay ang kaniyang passion para sa paglalaro at para mapasaya ang kaniyang mga supporters. 

“Ito talaga yung gusto ko kaya pinupursue ko talaga siya. Gusto ko talaga yung ginagawa ko, and last but not the least, [para] sa Sainty Fam. Hindi tayo sikat pero yung family na nabuo, yung Sainty Fam, yun yung nagpapa-keep up sakin sa pagstream,” giit niya.