Kilala ang buwan ng Marso bilang Women’s History Month sa Amerika, United Kingdom, at iba pang parte ng mundo. Idinidiwang nito ang mga kababaihan na gumagawa ng mga historikal na tagumpay sa iba’t-ibang fields tulad ng esports at gaming. 

Ano pa bang mas magandang paraan para ipagdiwang ito kaysa sa isang Renata Glasc cosplay ng isang malakas at malayang kampeon ng League of Legends? Tignan natin ang bersyon ni Valentina Kryp sa founder ng Glasc Industries. 

Ramdamin ang lakas ni Zaunite ng League of Legends sa Renata Glasc cosplay na ‘to 

Renata Glasc Cosplay
Credit: Yaco Jaimés, Mica Giagnoni

Napa-wow ng streamer at host na si Valentina Kryp ang mga fans sa kaniyang matinding cosplay ng Chem-Baroness. Sinarili niya ang Crime City Nightmare concept sa pamamagitan ng pagbigay buhay sa default na itim at putting business suit ni Renata at sa kaniyang mechanical arm, at kinumpleto pa niya ito ng kaniyang kumikinang na staff weapon. 

Dahil sa kaniyang prop breather mask, nagmukha siyang mas nakakatakot dahil sa kaniyang umiilaw na fuschia na mga mata na pinagana ng Chemtech. 

Ang kaniyang atensyon sa mga detalye ay napakahusay, dahil kuhang-kuha niya ang gray na hairstreaks at eyebrow slits ni Renata. 

Sinamahan niya pa ito ng mga walang kibo at konpidenteng mga expressions, isang tingin sa cosplay na ito ay mararamdaman mo ang empowerment. 

Maliban kay Renata Glasc, cinosplay din ni Valentina ang iba pang mga kampeon ng League of Legends tulad nina Vi, Evelynn, at Ahri. Maaring tignan ng mga fans ang mga cosplays ni Valentina Kryp sa kaniyang Instagram account. 

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, Empowering Renata Glasc cosplay kickstarts Women’s History Month.