Nakipag-team up muli ang basketball player na si Paul George sa PlayStation para sa isang sapatos na inspired ng PlayStation 5.

Ito ang magiging pangatlong sneaker release ni Paul George kasama ang kaniyang paboritong console brand, kasunod ng PG 2 at PG 2.5 PlayStation colorways.

Ang konsepto ng PG 5 PlayStation 5 

Credit: PlayStation

Ang mga designers mula sa dalawang kompanya, kasama na ang PS5 console artist na si Yujin Morisawa ay magkasamang nagtrabaho para ihatid ang isang authetic look sa PG 5 PlayStation 5 colorway nang may inspirasyon galing sa signature PG 5 sneaker ng Nike.

“Just like the PlayStation 5 console, the PG 5 is my platform to take my game to the next level,” sabi ni Paul George. “I couldn’t pass up the opportunity to bring these two elements together in this new partnership with PlayStation.”

Ang disenyo ng PG 5 PS5 

May isang sleek white na panlabas ang basketball na sapatos na ito, at sa malapitang tingin, mayroon itong hindi halatang pattern ng iconic shapes ng PlayStation, tulad ng PS5 DualSense controller.

Bukod pa diyan, mayroon din itong black at blue accents sa loob at sa sole para magaya ang official colorway ng PS5.

Tulad ng kaniyang mga nakaraang sapatos, pinapakita ng mga tongues ang PG at PlayStation logos. Makikita mo rin ang PS5 logo at ang jersey number 13 ni Paul George sa gilid ng sole.

Magiging available ang PG 5 PlayStation 5 simula May 14 sa iilang rehiyon. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na PlayStation blog post.