Nagtapos na ang Honkai Impact 3 x Genshin Impact na inilunsad ng Impunity Esports at inanunsyo na ang apat na nanalo sa iba’t-ibang kategorya ng patimpalak.
Binigyan ng contest ng pagkakataon ang mga fans ng mga laro na ipakita ang kanilang pagkamalikhain base sa Genshin Impact x Honkai Impact event collaboration.
Mga nanalo sa Honkai Impact 3 x Genshin Impact contest
Hinati ang Honkai Impact 3 x Genshin Impact contest sa apat na kategorya – livestream, cosplay, art, at video content creation.
Nakatanggap ang mga napiling content creators ng bahagi ng US$6,200 cash prize at mga official ASUS ROG peripherals tulad ng mga mouse at headsets.
Heto ang mga nanalo sa Honkai Impact 3 x Genshin Impact contest.
Livestream – Angie0_0
Nag-dress up ang Malaysian cosplayer na si Angie0_0 bilang traveler Lumine para sa kaniyang uanng cosplay stream sa taon. Tampok sa ipinakita niyang stream ang Outworld Quest ng Honkai Impact kung saan bida ang mga Electro girls na sina Fischl and Keqing.
Maaaring mapanood ang winning livestream niya rito:
Cosplay/Anime Life – LangLang
Nagdamit naman ang Cambodian cosplayer na si LangLang bilang si Kequing, isa sa mga karakter na tampok sa crossover.
Comic – xFate
Nagpakitang gilas naman sa comic category ang Malaysian na illustrator na si XFate. Bida sa four-panel comic ng creator si Keqing ng Genshin Impact na nanghihingi ng payo kay Herrscher ng Honkai Impact 3 kung paano maging malakas na karakter.
Creative video – Amelia Khor
Sa kategoryang ito lumabas ng lubusan ang pagkamalikhain ni Amelia Khor. Kinanta ng creator ang Rubia ni Zhou Shen, ang OST ng isang animation ng Honkai Impact 3. Para ipakita ang temang Honkai Impact 3 x Genshin Impact crossover, kinanta niya ito habang suot ang nakatutuwang Venti cosplay.
Maaring makita ang cover ni Amelia Khor sa Rubia dito.
Habang si Amelia Khor ang itinanghal na grand winner sa video category, makatatanggap naman ang sampung maswerteng contestants ng consolation prices.
Makikita ang scoreboard ng kompetisyon sa Facebook page ng organization.