Milyon-milyong players ang nabighani sa malapantasiyang storya at mga characters ng role-playing game na Genshin Impact. Ang iba ay bumuo ng kanilang sariling romantic pairings (o ang tinatawag ng mga fandom na ships), katulad ni Ningguang at Zhongli at Jean at Diluc.
May isang tambalan ng cosplayers galing sa Pilipinas na nagdala ng mga non-canon ships na ito sa real world. Ang pinakamagandang parte nito ay sila rin ay magkasinatahan!
Ipinakita ni Roxanne Kho at Zackt ang kanilang pagmamahal para sa Genshin Impact sa pamamagitan ng kanilang couple cosplays. Ang kanilang Jean at Diluc cosplay photo set na pinost noong nakaraang Valentine’s day ay nakapakilig ng mga fans. Pinakita nila ang napa-cute na storya ni Acting Grand Master ng Knights of Favonius at ang owner ng Dawn Winery sa loob ng Angel’s Share Tavern.
Ang ibang litrato naman, pinakita ang dalawa na handang protekahan ang mahalagang Mondstadt sa anumang panganib.
Cinosplay rin ni Roxanne Kho at Zakt ang Geo users na si Ningguang at Zhongli na naglalambingan sa Jade Chamber.
Siyempre, sa bagong kinababaliwan na KFC x Genshin Impact collaboration, ang dalawa ay nag-cosplay rin kina Noelle at Diluc habang suot-suot ang kanilang special employee outfits sa labas ng KFC branch.
Limang taon ng magkasintahan sina Roxanne Kho at Zackt. Sila ay nag-co-cosplay ng iba’t-ibang characters na nagustuhan nila bilang isang couple. Sila ay laging magkasama, naglalaro ng Genshin Impact habang gumagawa ng sarili nilang ships.
“We find ourselves having opinions about the plot and characters of the story, brainstorming theories about a series, or just fangirling about the character design or the lore,” sabi ni Roxanne Kho sa ONE Esports.