Mabuhay, Kyedae at LilyPichu!
Ang iilan sa mga pinakasikat na gaming personalities ng internet ay nasa Manila, Philippines para sa CONQuest Festival 2022, isang gaming at pop culture convention. Ang convention na ito ay nagbalik matapos ang tatlong-taon na pandemic hiatus at ginanap noong July 23 hanggang 24 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ang mga special guests ng event ay dumating ilang araw bago ang convention, kung saan nakasubok sila tumikim ng mga authentic Filipino food at mga delicacy.
Nagsama-sama ang mga CONQuest Festival 2022 guests na sina Michael Reeves, Kyedae at LilyPichu
Kakagaling lang nila sa kanilang OfflineTV Japan trip, ang mag-nobyong si Lily “LilyPichu” Ki at Michael Reeves ang unang dumating sa bansa. Pagdating nila, agad-agad nagustuhan ng Genshin Impact voice actress ang mga dried-mangoes ng Pilipinas na kadalasan ay kinakain bilang meryenda.
Sinubukan ni Lily ang classic na dried mangoes, pati na rin ang ibang klase nito tulad ng chocolate-coated mangoes at dried green mangoes.
Kumain rin siya ng Jollibee spaghetti mula sa sikat na Filipino fast food chain.
Dumating naman si Kyedae isang araw matapos nila at kumain ng isang playo ng crispy pata at kare-kare at pinost ito sa kaniyang Instagram stories.
Pagkatapos ay nagkita-kita sina Michael Reeves, Kyedae, at LilyPichu noong araw na iyon at kumuha ng litrato nang magkakasama.
Ang iba pang mga guests tulad ng Genshin Impact content creator na si Jake Tuonto at Genshin Impact Filipino voice actors na sina Anne Yatco at Ratana ay nag-anunsyo rin ng kanilang pagdating sa Manila.