Handa ka na ba sa bagong Pokemon song ni Katy Perry na “Electric?”
Naglabas ng bagong teaser photos at videos ang pop star sa kanyang social media kung saan pinapakita syang may platinum blonde hair at crocheted top.
Ang style ng pagkakasulat ng kanyang pangalan ay katulad ng signature yellow color at lightning bolt-shaped tail ni Pikachu.
Ang unang pakikinig sa kantang “Electric” nina Katy Perry at Pikachu
Sa isa pang poster, makikitang magkasama sina Pikachu at Katy Perry. Mukhang masaya ang Electric-type Pokemon na makasama si Katy Perry.
Tunog synth-pop banger ang track base sa eight-second clip na kanyang inilabas.
Si Katy Perry ay isang malaking Pokemon fan. Tine-trade nya ang kanyang POGS para sa Pokemon cards tuwing lunchtime noong nasa junior high pa sya, ibinahagi ng pop star sa kanyang tweet.
“Pokémon has been a constant in my life, from playing the original video games on my Game Boy to trading Pokémon TCG cards at lunch, to the adventures of catching Pokémon on the street with Pokémon GO,” sinabi ni Katy Perry sa isang statement.
Ilalabas ang “Electric” sa May 14, 12:00 P.M. GMT+8.
Pokemon ft. Katy Perry, Post Malone, at iba pang artistes
Kamakailan lang nitong taon na ‘to, sinimulan ni Post Malone ang Pokemon P25 Music program gamit ang sarili nyang virtual concert. Sa virtual concert ni Post Malone, makikita nag virtual avatar ng rapper na may iba’t ibang backdrop na puno ng lahat ng klase ng Pokemon. Kinanta niya ang kaniyang mga hits tulad ng Psycho, Circles, at Congratulations.
Kinanta rin ni Post Malone ang special version ng 90’s song na “Only Wanna be With You” ng Hootie & the Blowfish, na may kasamang sample ng Ecruteak City Theme mula sa Pokemon Gold at Silver.
Ang “Only Wanna be With You” {Pokemon 25 version) ni Post Malone ay magbigay nostalgia, lalo na sa mga gamers na lumaking naglalaro ng Pokemon mula pa nung pagkabata.
Ang Pokemon P25 Music program
Para ipagdiwang ang 25 taon mula nang unang mailabas ang game, inanunsyo ang Pokemon P25 Music program itong taon na ‘to.
Ang programa ay kinabibilangan ng ilan sa mga naglalakihang pangalan sa music industry tulad nina Post Malone, Katy Perry, at J-Balvin, na gagawa ng mga Pokemon-inspired songs na isasama sa isang digital album na nakatakdang i-release sa taong ito.